Sarah

Sarah, proud sa PSG training ni Matteo

October 25, 2022 Vinia Vivar 378 views

Mateo

Graduate na si Matteo Guidicelli sa VIP Protection Course or VIPPC na training program ng Presidential Security Group (PSG).

Ibinahagi kahapon ng aktor sa kanyang Instagram page ang mga larawan at videos ng graduation rites kung saan ay present din, of course, ang misis niyang si Sarah Geronimo.

“Thank you to my family and friends. It was an honor to train with the best from the PSG,” caption ni Matteo.

Makikita sa larawan na si Sarah ang nagkabit ng graduation pin ni Matteo.

In one photo ay hawak naman niya ang plake ng award na tinanggap ng mister na 3rd Best Sharp Shooter at kitang-kita kung gaano siya ka-proud sa kanyang her husband.

Bandang Agosto nang sumali si Matteo sa VIPPC, isang special training na isinagawa ng PSG, ang grupo ng uniformed men na nagbibigay-proteksyon sa nakaupong Pangulo ng bansa at pamilya niya.

Ayon sa Facebook post ng PSG, “The VIPPC is a highly-specialized professional service course that is offered to the PSG troopers who are dedicated to ensure a 360-degree protection of the President, his immediate family, as well as visiting heads of state or government.”

Si Matteo ang kauna-unahang celebrity sa atin na nag-take at nakatapos ng nasabing kurso. Matatandaan ding siya ang first local actor na sumali sa Army Reserve Command at ngayon nga ay may ranggo nang 2nd Lieutenant of the Armed Forces of the Philippines (AFP).

Puring-puri naman ng netizens si Matteo sa ipinakikitang pagmamahal sa bayan.

Marami rin ang nagtatanong kung magiging parte na rin ba ng PSG ni President Bongbong Marcos ang aktor.

KAPUSO X-MAS STATION ID, CERTIFIED LSS

Certified LSS ang lyric video ng Christmas Station ID 2022 na ni-release ng GMA Network sa social media nitong nakaraang Linggo, October 23.

Powerhouse talaga ang lyric video kasama ang Kapuso singers.

With matching upbeat music at inspiring lyrics, damang-dama na ang diwa ng pasko at mapapasayaw ka pa sa Love is Us this Christmas.

“Punuin ang paligid ng pag-ibig dahil tayo ang ilaw ng daigdig,” iyan ang mensahe ng mga Kapuso ngayong Kapaskuhan.

Puring-puri naman ng netizens ang bagong GMA Christmas Station ID jingle.

Ayon sa ilang commenters sa GMA Network YouTube channel, “This song is giving hope to every Filipino. Another thing I like about this is that their smiles are so genuine. Kudos to all the brilliant minds and talents behind every year’s jingle. Way to go, GMA!”

Bukod sa magandang message ng awitin, tuwang-tuwa rin ang fans sa husay ng Kapuso singers.

“Ang ganda na upbeat ‘yung 1st part ng song then nag-iba sa 2nd part like choral which we all know na GMA singers are really good in blending and it makes the CSID a balance of classical and pop. You will really feel the Christmas season.”

Panoorin ang latest Love is Us this Christmas lyric video sa Facebook page at YouTube channel ng GMA Network.

AUTHOR PROFILE