Sara nanatiling top 1 sa Presidential race -RPMD

August 20, 2021 People's Tonight 147 views

NANATILING top 1 si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio at ama nito na si President Rodrigo Duterte, na gusto ng publiko na maging susunod na Pangulo at Pangalawang Pangulo sa darating na eleksiyon.

Ito ang lumitaw sa latest RP- Mission and Development Foundation Inc. (RPMD) non- commissioned survey na isinagawa nationwide nitong Agosto 1 hanggang 10 ng taong kasalukuyan mula sa 10,000 respondent.

Base sa survey, si Mayor Sara ay nakakuha ng 32.25%, sumunod si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso (14.21%), Senator Manny Pacquiao (11.95%), former Senator Ferdinand Marcos, Jr. (11.20%), at Senator Grace Poe (7.62%).

Si Vice President Leni Robredo ay nasa-ika anim na puwesto 6.51%, Sen. Bong Go (4.66%), Cong. Alan Peter Cayetano (3.46%), Sen. Panfilo Lacson (3.40%), former Sen. Antonio Trillanes (1.06%) at Sen. Richard Gordon (.50%).

Si Mayor Sara ay nakakuha ng highest voter preference sa Mindanao, na 60.17%, sa Visayas (25.11%), Luzon (21.35%) habang si Mayor Isko ay siyang nakakuha ng mataas na pagpagusto sa National Capital Region (NCR) na 22.31%.

Sa pagka-Bise Presidente ay si Pres. Digong ang top 1 na may botong 21.81%, sumunod si Mayor Isko (25.25%), Marcos 10.94%, Pacquiao (10.72%) at Senate President Vicente Sotto III (8.57%).

Samantala sa pagka-alkalde naman sa National Capital Region (NCR) job performance review ay nanguna si Quezon City Mayor Joy Belmonte (86%), Manila Mayor Isko Moreno (85%) Pasig City Mayor Vico Sotto (83%), Navotas City Mayor Toby Tiangco (78%), Mandaluyong City Mayor Menchie Abalos (65%) Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian (74%), Marikina City Mayor Marcy Teodoro (75%), Makati City Mayor Abby Binay (73%), top 9 si Caloocan City Mayor Oca Malapitan (65%),at pasok sa top 10 si San Juan City Mayor Francis Zamora (64%).

Ayon kay Dr. Paul Martinez ng RPMD, direkta ang kanilang tanong sa mga respondent na “Who would you vote for President if the election will be held today?”

AUTHOR PROFILE