Ryza Larawan: Ryza Cenon/IG

Ryza Cenon back to school muna

November 25, 2023 People's Tonight 186 views

IBINAHAGI ng aktres na si Ryza Cenon sa kanyang Instagram na excited na siya upang simulan ang isa sa kanyang dream career.

Sa kanyang IG post, Biyernes, Nobyembre 24, makikitang nag-enroll ang aktres sa isang culinary school na Academy of Pastry and Culinary Arts of the Philippines o APCA.

“Excited to go back to school! Thank you @apca_philippines Sir Yohan and @louise.dr for giving me a tour around your campus. I can’t wait to get started!” caption ng “Lovestruck” star kalakip ang larawan kung saan suot na nito ang uniporme ng nasabing paaralan.

Umulan naman ng pagbati ang nasabing post. “Waaaa cuties!!! Pa-croissant naman kayo,” komento ng isang netizen. “Yeyyy!!! Excited for youuu,” dagdag pa ng isa.

Si Ryza Cenon ay mas sumikat sa GMA drama na “Ika-anim na utos,” kung saan ginampanan niya ang kontrabida karakter na si Georgia, na siyang siyang pinang-gigilan ng netizens.

AUTHOR PROFILE