Moms

Ruffa, Mariel at Ciara, bayad ng AllTV sa napagkasunduang kontrata

February 11, 2023 Vinia Vivar 283 views

Nagsalita na si Ruffa Gutierrez tungkol sa talk of the town nga na pagsasara ng show nilang M.O.M.s (Mhies on a Mission) nina Ciara Sotto at Mariel Rodriguez sa AllTV.

Sa mediacon ng upcoming film na Martyr or Murderer (MoM) na idinirehe ni Darryl Yap, na-corner ng entertainment si Ruffa at hiningan ng pahayag tungkol sa issue.

“They spoke to us and I believe it’s not a ‘goodbye.’ I think it’s a ‘see you later.’ So, para sa akin, kinausap kami, sabi magpo-pause raw muna sila for a couple of months for them to fix their signal,” simula ni Ruffa.

“So I think it’s internal, and para sa akin, that’s normal. That’s expected if you’re launching a new business, a brand, what more a station, ‘di ba, you’re gonna go through some pains? Hindi naman right away, magiging successful kaagad ‘yon,” dagdag pa niya.

“Hindi naman po ako ang may-ari ng istasyon at hindi ko masasagot yan. I think we should wait for the official announcement of AMBS and AllTV. Basta ang masasabi ko lang, na para sa akin, I am network-friendly.”

Thankful din ang aktres na kahit nga pansamantalang tigil ang programa ay babayaran naman daw sila sa kanilang napagkasunduan sa kontrata.

“Napaka-grateful ko rin sa mga Villar kasi kahit nag-pause kami, we’re still being compensated. So, ‘di ba, napakabait ng mga boss? So, para sa akin, napaka-grateful ko, kasi hindi naman namin kasalanan kung may problema sa signal.

“Ang importante sa akin, kay Mariel at kay Ciara, we do our best and maganda ‘yung show namin at naniniwala ako na ‘pag naayos ‘yung signal, magiging successful din ‘yon,” sey niya.

Nilinaw din niyang in-assure sila ng management na magbabalik pa sila at hindi totoong kanselado na nang tuluyan ang show.

“May assurance po, sinabihan kami. Hindi naman kami pinalayas. Kasi if it’s true, they would have said na tapos na, na hindi na kaya,” aniya.

“Kasi, nag-advance taping naman kami, hindi naman po kami live. Like for three weeks, meron pa kaming ipapalabas na mga bagong materyal and in a few months, ang sabi, aayusin lang nila ‘yung mga internal and of course, we respect that,” aniya.

Habang pansamantalang naka-pause ang M.O.M.s (Mhies on a Mission) ay pwede naman daw siyang tumanggap ng show sa ibang network since freelancer naman siya.

In fact, may mga offer na nga raw plus busy rin siya ngayon sa promo ng Martyr or Murderer kung saan ay ginagampanan nga niya ang papel ng iconic former First Lady na si Imelda Romualdez-Marcos.

Ang Martyr or Murderer ay sequel ng blockbuster film na Maid in Malacañang both written and directed by Direk Darryl and has the same lead cast tulad nina Ruffa, Cesar Montano, Cristine Reyes, Ella Cruz at Diego Loyzaga.

Ang MoM ay mapapanood na sa March 1 sa mga sinehan worldwide.

AUTHOR PROFILE