Love

Love, may bagong talk show sa Net25

February 11, 2023 Ian F. Fariñas 251 views

Dadalhin ng NET25 ang pagmamahal sa inyong mga tahanan sa pamamagitan ng pinakabagong talk show nito, ang Love and Everythaaang! na pangungunahan ng award-winning personality na si Love Añover.

Kilala si Love sa pagiging masayahin, matalino at kakayahang makihalubilo sa mga manonood.

Ang mga katangiang ito ang magbibigay-buhay sa Love and Everythaaang! na ang tanging hangarin ay magbigay-inspirasyon sa mga tao.

Ayon sa kanya, “This show will be able to inspire people to live and appreciate how beautiful life is, na bawat isa sa atin ay may power at skill within us that can and will get us through life no matter the circumstance will be.”

Excited din si Love dahil ito ang kanyang first radio-TV show.

“Thankful ako sa Net25, na kabilang ang pangarap ko na ito sa kanilang regalo sa akin. Ipinapangako ko naman na gagawin ko ang lahat ng aking makakaya para magawa ang responsibilidad na ito nang maayos at makabuluhan,” aniya.

Nagpahayag din siya ng pasasalamat sa lahat ng mga kaibigan na naniniwala sa kanya. Inamin din niya na nahasa ang kanyang kakayahan at talento sa suporta ng production team at ng kanyang mga mentor, isa na rito ang award-winning na si Cheche Lazaro.

“I mean, Team Love and Everythaaang! is a dream team for me. Sila ‘yung mga taong nakatrabaho ko na, kakilala at sa haba ng pagsasama ay naging mga matatalik ko nang kaibigan mula pa sa Probe Productions, Inc. ni Ms. Cheche Lazaro. The values and skills sa paggawa ng mga programa at pagbuo ng mga istorya, ay dala-dala namin hanggang sa ngayon na nakuha namin sa Probe, at babaunin namin siguro magpakailanman.”

Tampok sa show ang iba’t ibang panauhin, mula sa mga aktor at musikero, hanggang sa mga content creator at negosyante.

Samantala, masayang tinatanggap ni Net25 President Caesar Vallejos si Love bilang bahagi ng lumalaking pamilya ng network.

Inamin din niya na isa siya sa mga tagahanga nito.

Aniya, “Personally, I am also a fan of hers because of her reports with the Probe Team. It was her line ‘my English is limited edition’ na hindi ko makakalimutan.”

Sabay na mapapanood sa Net25 at mapapakinggan sa Radyo Agila ang Love and Everythaaang simula bukas, Pebrero 13, Lunes, 11 a.m.

AUTHOR PROFILE