Rodriguez

Rodriguez nagbabala vs kotong

May 11, 2022 Tess Lapuz-Lardizabal 290 views

Na ginagamit ang kanyang pangalan, FB account

NAGBABALA si Atty. Vic Rodriguez, chief of staff at tagapagsalita ni president-in-waiting Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., sa publiko kaugnay ng modus ng ilang kriminal na nanghihingi ng pera mula sa ilang mga indibidwal at establishments gamit ang kanyang pangalan.

Sa kanyang Facebook page, sinabi ni Rodriguez na nakatatanggap siya ng maraming ulat na ginagamit ang kanyang FB account para mag-solicit ng pera sa ilang indibidwal.

“Ang aking Facebook account ay patuloy na nagagamit sa mga iligal na gawain tulad ng hindi awtorisadong paglikom ng pera ng ilang indibidwal,” ani Rodriguez.

“Aming pinaaalalahanan na ang aking FB account ay ginagamit lamang para magbigay ng mga impormasyon at pahayag na may kinalaman sa aking trabaho bilang Chief of Staff at tagapagsalita ni president-in-waiting Bongbong Marcos,” dagdag ng abugado.

Iginiit pa ni Rodriguez na kailanman ay hindi sila nanghihingi nang kahit magkanong halaga sa kahit sino.

“Maging matalino’t mapanuri upang hindi basta maloko ng sinuman,” ani Rodriguez.

Siniguro naman ng tagapagsalita ni Marcos na handa niyang kasuhan ang sinumang mahuhuli at mapapatunayang ginagamit ang kanyang pangalan para magkapera. Nina LEE ANN P. DUCUSIN & TESS LAPUZ-LARDIZABAL