Robin

Robin may ginawang clever decision

June 20, 2022 Joey Aquino 284 views

ROBIN Padilla is ready for his new journey as a first-time senator.

Opisyal na rin ang kanyang pagiging senador matapos itong manumpa kay Pangulong Rodrigo Duterte nitong June 17. Kaugnay nito, kaliwa’t kanan ang kanyang preparasyon at pag-aaral hinggil sa trabaho ng isang senador. Just recently, he went to Senate for orientation giving him first-hand information on legislative conduct and protocol. Aminado siya na marami pa siyang dapat pag-aralan. Dahil dito, kinuha niya si Atty. Salvador Panelo para maging legal consultant. Clever decision, indeed. At least, he is properly guided. Nagpauna na rin siya ng salita na Filipino ang gagamitin niyang lenggwahe sa debate sa Senado. Dahil hindi naman daw mga foreigner ang kausap niya. ‘Yan si Robin!

Sa totoo lang, mabait at matinong kausap itong si Robin. Having managed her daughter Queenie Padilla’s showbiz career, I witnessed how good a father he is to his children. Queenie, by the way, is happily married and based in Australia. Kahit naman sa pakikitungo niya sa mga katrabaho sa showbiz, maganda ang naririnig ko tungkol sa kanya. Marahil ito ang dahilan kung bakit siya blessed. Sadyang mapaglaro at mabait ang tadhana sa kanya. Naranasan niyang makulong noon. At ngayon, Senador at number one pa sa nakaraang national election.

Sa kanyang pagkapanalo, isa-isa niyang pinasasalamatan ang mga taong tumulong sa kanya. Una na riyan si Kris Aquino at ang Aquino family na tinuturing niyang secret weapon sa kanyang victory. Nitong huli, pinasalamatan naman niya ang dating Pangulo na ngayon ay Congresswoman-elect Gloria Macapagal-Arroyo at ang pamilya Arroyo. Malaki raw ang ambag ni dating First Gentleman Mike Arroyo sa kanyang kampanya. Bukod sa pamilyang Aquino at Arroyo, malaki ang pasasalamat ng aktor kina Pangulong Rodrigo Duterte, Senator Bong Go at Vice President-elect Sarah Duterte. Obvious na mukhang walang political color na tinitingnan itong si Robin.

Ngayong Senador na siya, alin kaya ang mangingibabaw sa kanya: Interest ng mga indibidwal at pulitiko na pinagkakautangan niya ng loob o interest ng taong bayan na bumoto sa kanya? Just asking…

Disclaimer:

Sa diwa ng malayang pamamahayag, makipag-ugnayan lamang sa Just Asking thru 0905-558-4811 or email us at [email protected]

AUTHOR PROFILE