Robi

Robi itinuloy ang kasal sa kabila ng kalagayan ng kasintahan

January 7, 2024 Aster Amoyo 195 views

Robi1Robi2IT was last August 4, 2023 nang muling lumagda ng exclusive contract with ABS-CBN ang ex-PBB housemate-turned TV host na si Robi Domingo. At that time ay naka-confine sa isang pagamutan ang kanyang non-showbiz fiancée na si Maiqui Pineda matapos itong ma-diagnose with rare autoimmune disease. Ang pakiramdam niya noon ay nasa roller coaster of emotions siya.

Pero sa kabila ng sakit ni Maiqui ay itinuloy ng dalawa ang kanilang planned wedding na nangyari nung January 6, 2023 ng 3 p.m. sa Diocesan Shrine and Parish of San Isidro Labrador in Pulilan, Bulacan na dinaluhan ng kanilang respective families at malalapit na kaibigan na may temang Filipiniana. Si Rajo Laurel ang gumawa ng parehong kasuotan ng bagong couple, ang wedding gown ni Maiqui at barong Tagalog ni Robi.

Ilan sa mga tumayong sponsors sa wedding nina Robi at Maiqui ay ang president-CEO ng ABS-CBN na si Carlo L. Katigbak, ang COO for Broadcast ng kumpanya na si Cory Vidanes, ang celebrity doctor na si Dra. Vicki Belo, ang Kapamilya singer, actor, film producer and entrepreneur na si Piolo Pascual, ang mag-asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez at ang dating vice-president na si Leni Robredo, among others.

Kasama naman sa tumayong groomsmen ang matinee idol na si Donny Pangilinan at ang singer-songwriter and actor na si Darren Espanto habang kasama rin sa entourage ang dating magkasintahang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na paherong close friends ng newlyweds. Katunayan, sina Kathryn at Daniel ay dalawa sa naka-witness sa marriage proposal ni Robi kay Maiqui nung November 4, 2022 sa gitna ng Shibuya Crossing sa Tokyo, Japan. Nasaksihan din ito ng iba pa nilang mga kaibigan tulad ng magkasintahang Zanjoe Marudo at Ria Atayde, Joshua Garcia at iba pa.

Ngayong mag-asawa na sina Robi at Maiqui ay pareho nilang haharapin hindi lamang ang challenge sa isang bagong married couple kundi maging ang pakikipaglaban sa sakit ni Maiqu.

Robi and Maiqui celebrated their 5th anniversary bilang magkarelasyon last August 2019. It was in 2019 nang aminin ng couple ang kanilang relasyon sa publiko.

Samantala, muling magiging abala this 2024 si Robi sa pagsisimula ng bagong season ng reality show na “Pinoy Big Brother,” ang programang kanyang pinagmulan at kung saan isa siya sa tatayong hosts.

Bagong BF, nag-propose kay Katya sa Japan

KatyaKatya1KUNG ikinasal last January 6, 2023 sina Robi Domingo at Maiqui Pineda, January 2, 2024 naman ang petsa ng engagement nina Katya Santos at non-showbiz fiancé niyang si Paolo Pilar matapos ang 20 taon nilang pagkakakilala.

Ang marriage proposal ay nangyari sa Lake Ashi in Hakone, Japan na malapit sa Mt. Fuji which was witnessed by Katya’s 10-year-old daughter na si Tala and their respective families and friends sa gitna ng kanilang bakasyon. Sa araw na ito ng Lunes, January 8 ang balik nila from Japan.

Katya was previously married to a non-showbiz guy na si Anton de los Reyes, member ng coaching staff ng Mapua University. They got married in 2013 at nagkahiwalay nung 2016 at naging daan ng pagpa-file ng dating miyembro ng Viva Hot Babes ng annulment.

Para iwas-stress, hindi na umano nanghingi ng financial support ang actress sa dating mister para sa kanilang nag-iisang anak na si Tala.

Isa si Katya sa naniniwala sa second chances at umaasa siya na si Paolo na ang kanyang makakasama at makakatuwang habambuhay.

Si Katya ay nagsimula sa youth-oriented program ng ABS-CBN, ang “Ang TV” nung 1992. Naging bahagi rin siya ng weekly sitcom ni Aga Muhlach sa Kapamilya network, ang “Oki Doki Doc” when she was 13 maging sa TV series na “Anna Karenina” nung 1996 sa bakuran ng GMA. Naging miyembro siya ng all-sexy girls na Viva Hot Babes na kinabilangan din nina Andrea del Rosario, Maui Taylor, Sheree, Gwen Garci at iba pa. Kasalukuyan siyang napapanood sa primetime TV series na “Can’t Buy Me Love” ng hot loveteam nina Donny Pangilinan at Belle Mariano.

Art of drag ipinakilala

NAGSANIB-puwersa ang mga negosyanteng sina RS Francisco, Loui Gene Cabel, Cecile Bravo, ang longtime partners na sina Ice Seguerra at Liza Dino-Seguerra kasama ang Divine Divas na sina Precious Paula Nicole, Brigiding at Vinas Deluke sa pagbuo ng Rampa Club, isang organisasyon na magbibigay ng halaga sa art ng Drag Queens sa Pilipinas na maituturing isa na ring industriya.

Ito’y madalas na ginagampanan ng mga gay men na bahagi ng LGBT community.

Ang kaibahan ng mga drag queens sa mga performers in sing-along comedy bars, sila yung nagsusuot ng mga exaggerated costume and make-up at madalas nagli-lip sync sa mga songs na kanilang kinakanta at pini-perform on stage. Marami rin sa kanila ay mga look-alike at gumagaya ng mga kilalang local and foreign performers and perform in bigger venues.

Sa pagbuo ng Rampa Club, expect drag shows to be more popular in the Philippines.

Ang drag ay isang form of art in entertainment na sikat din maging sa ibang bansa.

Gerladine ipinakilala bago bumalik ng London

GeraldineGeraldine1NGAYONG araw ng Martes, January 9, 2024 ay 21st birthday ng baguhang Fil-Irish-British singer-actress na si Geraldine Jennings na humarap sa entertainment media nung nakaraang Biyernes, January 5, 2024 na nagsilbing launch niya sa kanyang pagpasok sa showbiz.

Si Geraldine na may palayaw na Gigi ay isa sa mga bagong talent ng talent manager Leo Dominguez.

Si Geraldine whose mother is a Filipina has an Irish-British father. She was born in the Philippines but moved to Edinburgh U.K. nung 2009. Pero kahit sa U.K. naka-base ang kanyang pamilya ay nagbabakasyon siya ng Pilipinas where they have a second home at least three times a year kaya intact ang kanyang Filipino connection and values.

Isang taon siyang nag-aral ng Business Management with Music sa Marymount University in Los Angeles, California, USA pero bumalik siya ng U.K. kung saan siya ngayon nag-aaral sa University of London and she still has two more years bago grumadweyt from college. Only then will she decide to stay in Manila for good para makapag-concentrate siya sa kanyang singing and acting career.

Bukod sa kanyang angking ganda at talino, she is a good singer and plays the guitar, she’s also an equestrienne and polo player and sports enthusiast. Ang kanyang paternal grandfather na si Gerald Jennings na isang Irish-British ay isang horse breeder at self-made businessman at doon umano niya minana ang hilig sa kabayo. Ang kanyang amang si Frank Jennings ay isang Northern Irish international businessman habang ang kanyang Filipina mother na si Gina Cariaga-Jennings na isang housewife and businesswoman ay mula sa Pasuquin, Ilocos Norte na nagmula sa pamilya ng mga guro at pulitiko.

Habang nagbabakasyon sa Pilipinas ay nakagawa siya ng isang romantic movie, ang “La Isla Babuyan” kung saan niya leading man ang Fil-Am young actor, ang dating miyembro ng Hashtags all-male dance group na si Jameson Blake. Kasama rin sa movie sina Nathalie Hart, Lotlot de Leon, Paolo Gumabao, James Blanco, Dave Bornea, Samantha Da Rosa.

Ang Isla Babuyan ay produced ng Solid Gold Entertainment Production mula sa panulat ni Jessie Villabrille, story by Leo Dominguez, Jessie Villabrille at Bam Salvani line produced by Dennis Evangelista mula sa pamamahala ni Abdel Langit.

Although wala pang playdate ang movie, Geraldine was formally launched bilang singer-actress bago ito bumalik ng U.K. upang ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral. But she will be flying back and forth whenever her schedule permits.

Ang “La Isla Babuyan” ay magsisilbing tribute sa yumaong writer-filmmaker na si Joey Gosiengfiao.

Cherry Pie masaya at aktibo kahit loveless muli

Cherry Pie PicacheWE chanced upon award-winning actress Cherry Pie Picache at the Holy Trinity Parish Church in Cainta, Rizal kung saan ito namuno sa pagpapakain ng about 150 indigent children. Kasama ng actress ang kanyang anak na si Antonio `Nio’ Picache Tria sa kanilang feeding mission.

Kahit loveless muli matapos silang maghiwalay ng actor na si Edu Manzano, makikita pa rin sa actress ang kanyang kakaibang glow, pagiging masayahin at pagiging aktibo sa mga charity works na hindi alam ng publiko.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X(Twitter)@asteramoyo.

AUTHOR PROFILE