Default Thumbnail

Rider timbog sa blackmail

June 22, 2022 Jonjon Reyes 199 views

NAHAHARAP ngayon sa patong-patong na kaso ang isang 32-anyos na freelancer rider makaraang maaresto sa isinagawang entrapment operation sa harap ng Dragon 8 Mall sa panulukan ng Claro M. Recto at Dagupan St. sa Tondo, umaga nitong Martes.

Nag-ugat ang reklamo mula sa umano’y “lover” na isang gown designer na nakatira sa Tondo.

Salaysay ng biktima, pilit umano siyang sinasabihan ng suspek na makipagkita at nais umano nitong ibalik ang kanilang “nakaraan”.

Tumanggi umano ang ginang ngunit nagbanta ang suspek na ikakalat nito ang mga pribadong larawan nito sa social media.

Naisip ng ginang na dumulog sa Manila District Cybercrime Team at dito na nagkasa ng entrapment operation.

Sa pinagsanib na puwersa ng Manila Police District (MPD)-Moriones Police Station 2 na pinangunahan ni P/Major Joseph Jimenez sa direktiba na rin ni P/Lt. Col. Harry Lorenzo lll, station commander at ng mga tauhan ng Manila District Cybercrime Team na pinangunahan ni P/Maj. Reynaldo Salim ang pagdakip sa suspek na taga Dagat-dagatan, Caloocan City.

Ayon sa ulat ni P/Maj. Salim, bandang 10:00 ng umaga na mahuli ang suspek sa nasabing lugar.

Mahaharap ang suspek sa mga kasong Grave Coercion (Article 286) ng Revised Penal Code violation of Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009 (RA 9995), Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004 (RA 9262), and Safe Spaces Act (RA 11313) na pawang may kaugnayan Section 6 ng RA 10175 – “Cybercrime Prevention Act of 2012”.

AUTHOR PROFILE