Default Thumbnail

Rider sumalpok sa pader, tigok

March 31, 2024 Jojo C. Magsombol 68 views

TIGOK kamakalawa ang isang menor de-edad na rider matapos sumalpok sa pader na una ang ulo ng mawalan ng kontrol ang kanyang motor sa Brgy. Dayap Itaas road, Laurel, Batangas.

Bandang alas-12:10 ng madaling-araw, tumatakbo patungong Lemery, Batangas ang biktima sakay ng motor ng mawalan ng kontrol at nabangga sa pader ng bahay.

Dahil sa lakas ng bangga, humagis ang rider at sumalpok sa pader na una ang ulo.

Isinugod ang biktima sa Dr. Ernesto Malabanan Hospital sa Laurel, Batangas ng mga miyembro ng Municipal Disaster Risk and Reduction Management Office (MDRRMO) at Bureau of Fire Protection (BFP) at doon idineklarang dead-on- arrival ni Dr. Janice Ann Cabral, ang attending physician.

AUTHOR PROFILE