Rider Dead on the spot ang rider matapos na sumalpok sa likurang bahagi ng cargo truck sa kahabaan ng Jose Abad Santos Avenue, Tondo sa Maynila, habang sinisiyasat ng Manila Police Dustrict personnel ang katawan ng biktima.

Rider sumalpok sa cargo truck, dedo

June 16, 2023 Jonjon Reyes 175 views

Rider1HINDI na nagawang makaiwas at makapag-preno ng isang 41-anyos na rider nang sumalpok ito sa cargo truck nang huminto ito sa isang traffic light sa Jose Abad Santos Avenue malapit sa kanto ng Tayuman Street, Tondo sa Maynila Huwebes ng gabi.

Dead on spot noon din ang rider dahil sa lakas ng impact nito at tumilapon hanggang sa tumama ang ulo nito sa semento. Ang biktima ay nakilalang si Vincent Hernandez, residente ng Josephina Street, 3rd Avenue, Grace Park sa Caloocan City.

Samantala, agad namang sumuko ang driver na si Adan Badal, 64-anyos, ng Binondo, Manila.

Si Badal ay nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide at damage to property.

Ayon sa ulat ni Police Corporal Genesis Flagne, may hawak ng kaso, na isinumite kay Police Major Jaime Gonzales, investigator chief ng District Management Traffic Enforcement Unit (DMTEU), bandang 9:52 ng gabi nang maganap ang aksidente sa nasabing lugar.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, binabagtas ni Badal ang kahabaan ng northbound ng Jose Abad Santos Avenue nang mag-red signal kaya bigla itong pumara.

Kasunod naman ang rider kaya hindi na nito nakontrol ang manibela at preno ng Yamaha Mio 125 CC. Dito na siya bumangga sa bandang likuran ng cargo truck.

Rumesponde naman ang ambulansiya ng Manila Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office sa pangunguna ni Mervin Castillo, subalit hindi na gumagalaw ang biktima at idineklara na itong patay.

Kusang loob namang sumuko sa pulisya si Badal sa tanggapan ng DMTEU.

AUTHOR PROFILE