Default Thumbnail

Rider patay matapos sumalpok sa pader ng tulay sa Pandacan

October 14, 2022 Jonjon Reyes 278 views

HINDI na nagawang maisalba ang buhay ng isang lalaking rider matapos bumangga ito sa konkretong pader sa southbound lane ng tulay ng Zamora Interlink sa Barangay 865, Pandacan, Maynila madaling araw ng Biyernes.

Ang biktima ay pawang residente ng Quiapo, Maynila.

Batay sa ulat ni Police Staff Sargent Allen Chiristian Camangon na isinumite kay Police Major Anthony Olgado, hepe ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU), bandang 1:30 ng madaling araw nang maganap ang aksidente sa nasabing lugar.

Sa impormasyong nakarating kay Police Master Sargent Maximo Yabut sa tanggapan ng MDTEU, isang lalaki na lulan ng motorsiklo ang bumangga sa nasabing pader ng Skyway.

Mabilis na isinugod ang biktima sa Sta. Ana Hospital, subalit dakong 3:10 ng madaling araw nang idineklarang patay ang biktima ng attending physician.

Hinihinala ng pulisya na inantok sa biyahe ang biktima nang maganap ang aksidente, habang isasailalim sa awtopsiya sa pinagdalhang morgue ang rider.

AUTHOR PROFILE