WPS

Resupply mission boat ng Pinas, binomba ng tubi ng CCG vessels, 4 sugatan

March 5, 2024 Zaida I. Delos Reyes 92 views

APAT katao ang nasugatan matapos na bombahin ng mga barko ng China Coast Guard (CCG) ng tubig ang bangkang nagsasagawa ng resupply mission sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal .

Ito ang kinumpirma nitong Martes ng National Task Force for the West Philippine Sea (NTF-WPS).

“The use of water cannons by the CCG vessels shattered the wind shield of Unaizah May 4, causing minor injuries to at least four personnel on board,” pahayag ng NTF-WPS.

Ang mga nasugatang Pinoy ay binigyan ng paunang lunas ng mga crew ng BRP Sindangan, barko ng PCG na unang nabangga ng isa sa mga barko ng China.

Paliwanag ng NTF-WPS, ang mga mapanganib na hakbang at “dangerous maneuvers” ng China laban sa mga barko ng Pilipinas ay tahasang naglalagay sa panganib sa buhay ng mga Pinoy na lulan ng resupply mission boat.

Giit ng Task Force, ang mga illegal na hakbang na ito ng China ay kumukwestiyon sa kanilang sinsiredad sa kanilang panagawan para sa isang mapayapang pag-uusap.

“The systematic and consistent manner in which the People’s Republic of China carries out these illegal and irresponsible actions puts into question the sincerity of its calls for peaceful dialogue and lessening of tensions,” pahayag ng Task Force.

Batay sa ulat ng NTF-WPS, hinarang ng CCG vesse4l 21555 ang BRP Sindangan dakong 6:32 ng umaga na naging sanhi din ng banggaan.

Nagtamo anila ng ‘superficial structural damage” ang BRP Sindangan.

Dakong 8:15 naman ng umaga ay nagkaroon din ng banggaan sa pagitan ng isa pang CCG vessel at Unaizah May 4 dahil sa ginawang dangerous blocking maneuvers ng barko ng China.

Nagpakawala din ng water cannons ang CCG vessels 21555 at 21551 laban s Unaizah May 4.

Dahil sa pinsala at pagkasugat ng mga crew members ng barko ay bumalik na lamang ang mga ito sa mainland ng Palawan .

Kaugnay nito, ipinatawag ng Department of Foreign Affairs o DFA ang China’s Deputy Chief of Mission upang iparating ang protesta ng Pilipinas laban sa mga agresibong aksyon ng China Coast Guard at Chinese Maritime Militia sa rotation at resupply mission ng bansa sa Ayungin Shoal.

“The Department of Foreign Affairs summoned the Chinese Deputy Chief of Mission this afternoon to convey the Philippines’ protest against the aggressive actions undertaken by the China Coast Guard and Chinese Maritime Militia against the rotation and resupply mission undertaken by the Philippines in Ayungin Shoal today.” Pahayag ng DFA

Sa isang pulong, iginiit ng Pilipinas na hindi makatarungan at katanggap-tanggap ang pakikialam ng China sa aktibidad ng bansa sa sarili nitong exclusive economic zone.

Iginiit ng Pilipinas na labag sa karapatan at hurisdiksyon ng Pilipinas ang mga hakbang na ginagawa ng China.

Hiling ng Pilipinas, kailangang lisanin ng mga sasaskyang pandagat ng China ang paligid ng Ayungin Shoal sa lalong madaling panahon.

Ang Ayungin Shoal ay isang low-tide elevation sa loob ng exclusive economic zone at continental shelf ng Pilipinas.

Alinsunod sa 1982 UN Convention on the Law of the Sea at ang pinal at may-bisang 2016 Arbitral Award, hindi ito maaaring ilaan para sa mga paghahabol sa soberanya.