Mananambal

Respect for Ate Guy

March 18, 2024 Joey Aquino 75 views

NORA Aunor should be treated with respect, being a National Artist.

Ito ang buod na mensahe ng DZRH at Showbiz Reporter na si Morly Aliño sa post nito sa kanyang Facebook account, matapos punahin ang pambabastos diumano kay Ate Guy. Patungkol ito sa poster ng pelikulang ‘Mananambal’ na kung saan bida rin ang Kapuso star na si Bianca Umali. Bagaman mas nauna sa billing ang Superstar, makikita naman ang mukha nito sa likod ni Bianca na mas malaki kaysa sa mukha ni Ate Guy.

To quote Aliño, “Huwag namang apihin si Nora Aunor para ilagay ang picture niya sa likod ni Bianca Umali.” Dagdag pa niya, “ibig kong sabihin sino ba ang ‘Mananambal’ sa pelikula, sa picture pa lang oblvious nang si Mama Guy.” I totally agree with Aliño that while Ate Guy has lost her box office appeal, she deserves courtesy and respect, even in the movie poster.

Sa totoo lang, hindi na masyadong mainit o binibigyang pansin ang billing ngayon kumpara noon. Matatandaan na noong kainitan ng rivalry nina Vilma Santos at Ate Guy, naging kontrobersyal kung sino ang mauuna sa billing sa kanilang pelikulang ‘T-Bird at Ako.’ Apparently, the billing was wittingly and cleverly resolved using the ‘rotating’ credit billing. Those were the days. It is disheartening to hear about how our veteran stars are shabbily treated in the entertainment industry. Hindi katulad sa Hollywood na well-treated and respected ang mga senior actors nila.

Kaugnay nito, hindi ba natin kayang ibigay ang respetong ito sa isang tulad ni Ate Guy? Just asking…

Disclaimer:

Sa diwa ng malayang pamamahayag, malaya rin ang sino man o concerned parties na tinutukoy o nasusulat sa kolumn na ito para sa anumang paglilinaw o karagdagang komento at reaksyon.

Mangyaring makipag-ugnayan lamang sa Just Asking thru 0905-558-4811 or email us at [email protected]

AUTHOR PROFILE