Reporters na dumalo sa presscon ginutom

March 6, 2024 Aster Amoyo 505 views

ILANG reporters and vloggers ang nagreklamo na ginutom umano sila sa isang media conference for a new movie mula sa isang baguhang film producer na ginanap pa umano sa isang 5-star hotel in the south. Kahit snack bites, sandwich o French fries man lamang ay hindi umano sila nakatikim. Coffee was available pero hindi naman umano ito nakakabusog lalupa’t ang iba sa kanila ay hindi na nag-lunch para makarating on time sa press conference kung saan sila imbitado.

Bumawi sa pagkain ang ilan sa kanila na meron pang ibang event na pinuntahan.

Hindi ba alam ng producer o ng organizer ng media event na dapat may pagkain (kahit snacks man lamang) na nakahanda for their invited guests including media and vloggers?

But there’s always a next time. Di ba, JE?

Coco nawalan ng nanay-nanayan

JaclynJaclyn1NAWALAN ng nanay-nanayan sa showbiz ang 42-year-old actor, director and producer na si Coco Martin dahil sa maagang pagpanaw ng premyadong actress na si Jaclyn Jose (Mary Jane Guck in real life) nung umaga ng March 2, 2024 dahil sa atake sa puso sa edad na 60.

Si Jaclyn ay naging malapit kay Coco magmula nang sila’y magsama sa unang (indie) movie ng actor, director at producer, ang “Masahista” na pinamahalaan ng award-winning director na si Brillante Mendoza nung 2005. Muling nagkasama ang dalawa sa isa pang indie movie, ang “Serbis” (Service) na dinirek din ni Direk Brillante in 2008. Since then ay maraming beses nang nagsamang muli ang dalawa sa ilan pang mga pelikula.

It was Jaclyn who convinced Coco to try the mainstream na kanyang sinimulan sa TV series ng ABS-CBN, ang “Ligaw na Bulaklak” and the rest ay history nang maituturing. Ito bale ang naging entry point ni Coco where is now regarded as King of Primetime TV.

Muling nagsama sina Jaclyn at Coco sa 2022 Metro Manila Film Festival movie, ang crime-drama na “Apag” na muling dinirek ni Direk Brillante Mendoza, ang pelikulang nakapagbigay kay Gladys Reyes ng kanyang unang Best Actress trophy mula sa Gabi ng Parangal ng Metro Manila Film Festival. Isinama rin ni Coco si Jaclyn sa cast ng kanyang tumatakbong hit primetime action-drama series na “FPJ’s Ang Probinsyano” where she plays the role ng isang corrupt police officer na si Dolores Espinas.

Isa si Coco sa mga nabigla sa maagang pagpanaw ni Jaclyn na agad bumaba from Baguio City para puntahan ang beteranang actress sa bahay nito.

Last Tuesday, March 5 ay si Coco ang nanguna sa lahat ng mga nagsipunta sa second wake for Jaclyn sa Arlington Chapels in Quezon City kung saan ay halos lahat ng bumubuo ng cast ng “FPJ’s Batang Quiapo” ay naroon . Ito ang kanilang huling pagbubugay sa award-winning actress na naging bahagi ng hit prime series since September of 2023 until the time of her death.

May ilan pang pelikulang tinapos ni Jaclyn ang hindi pa naipapalabas at kasama na rito ang “Sigaw sa Magdamag” ni Joey Romero kung saan niya kasama sina Monsour del Rosario at Zoren Legaspi maging ang series na “Sellblock” kung saan naman niya kabituin si Jericho Rosales.

Ang pagpanaw ni Jaclyn ay nag-iwan ng malaking puwang sa industriya ng pelikula at telebisyon.

Pelikula tungkol sa bullying napapanahon

BraveBrave1VERY timely ang palabas na Korean movie na “Brave Citizen” na pinagbibidahan nina Shin Hye-sun, Lee Jun-young, Cha Cheong-hwa at Pak Hyuk-kwon na dinirek ng award-winning Korean director na si Park Jin-pyo dahil may kinalaman ito sa matinding student bullying in school at power-tripping na common din dito sa Pilipinas.

The action-packed drama movie with slight comedy ay released through Viva International. Ito’y hango sa Korean webtoon na “Brave Citizen” na may kinalaman sa isang matapang na lady vigilante teacher na si Si-min (Shin Hye-sun), isang promising female boxer na iniwan ang kanyang pangarap na makapasok sa Olympics para matulungan ang kanyang ama na nabaon sa utang at sa halip ay namasukan siyang temporary teacher sa isang high school campus kung saan niya personal na nasaksihan ang injustices sa mga inosenteng estudyante na hina-harass at sinasaktan ng isang kinatatakutang estudyante na anak ng may-ari ng school na may impluwensiya. Nakabusal ang bibig ng mga nakakakitang estudyante at mga school officials sa kahayupang asal ng estudyante na si Su-gang na ginagampanan ni Lee Jun-young dahil takot na sila ang mapagbalingan ng galit nito. Pero bukod tanging si Si-min ang hindi natakot sa kanya kaya namuro ang kanyang pagiging permanent teacher ng school.

Since na-witness ni Si-min ang mga paghihirap ng ilang estudyante sa kamay ni Su-gang, inilagay niya sa kanyang mga kamay ang paghihigante nang matapos na ang kahayupan ni Su-gang.

Walang kaalam-alam ang lahat na ang nakasuot ng cat mask ay isang babae na parating nakaka-enkwentro ni Su-gang at parating nakakatalo sa kanya. Unti-unting nagkaroon ng silent supporters si Si-min sa school without knowing her true identity.

Sa pagnanais ni Su-gang na makapaghigante sa naka-cat mask, hinanap niya ito sa buong school hanggang ma-discover niya na si Si-min pala ang kanyang hinahanap. Hinamon si Su-gang si Si-min ng fight game sa loob ng ring sa loob ng kanilang school sa pag-aakalang matatalo niya ito but to his dismay ay tinalo siya nito. Doon din na-discover ng lahat ng nanood na estudyante at school officials na ang nakasuot ng cat mask ay isa palang babae at walang iba kundi si Si-min. Dito nagwakas ang pagiging siga sa school ni Su-gang at ng kanyang mga cohorts dahil maraming estudyante ang nagkaroon ng lakas ng loob para magbigay ng kanilang testimonya at mga pruweba laban sa kanya at sa kanyang grupo kaya sila’y naaresto at nakulong. In the end, hustisya pa rin ang nangibabaw laban sa gumawa ng school violence at injustices ng mga naghahari-harian sa loob ng school campus.

Sheena ipinagbubuntis ang pangalawang anak

SheenaSheena1IPINAGBUBJNTIS ngayon ng aktres na si Sheena Halili ang pang-second baby nila ng kanyang husband na si Atty. Jeron Manzanero. Ang kanilang panganay na anak na si Martina Candine Halili Manzanero ay three years old na.

The couple who just celebrated their 4th wedding anniversary nung nakaraang February 23 ay masayang-masaya na magkakaroon ng bagong karagdagan sa kanilang pamilya at magiging `big sister’ na ang kanilang panganay.

Isang common friend ng mag-asawa ang kanilang naging tulay who arranged for a blind date hanggang sa maging sila. It was in August of 2018 nang aminin ng dalawa ang kanilang relasyon na nauwi sa kanilang engagement at pagpapakasal.

Si Sheena ay alumna ng talent reality show ng GMA, ang unang batch ng Starstruck kung saan sina Jennylyn Mercado, Mark Herras, Yasmien Kurdi at Rainier Castillo ang tinanghal na Top 4.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE