Harry

Relasyon nina Prince Harry at Meghan sa royal family mahirap nang ayusin

March 5, 2024 Aster Amoyo 180 views

Harry1MUKHANG irrepairable na ang relasyon ng mag-asawang Prince Harry at Meghan Markle, Duke and Duchess of Sussex respectively sa royal family na pinangungunahan ni King Charles, ama nina Prince Harry at nakatatanda nitong kapatid na si Prince William na siyang next in line sa trono.

Nagsimula ang gap ng mag-asawang Prince Harry at Meghan sa royal family nang mag-step down ang couple sa kanilang senior royal duties para maging independent at mamuhay nang pribado sa California, USA kung saan isininilang at lumaki ang (dating) American actress. At that time ay buhay pa si Queen Elizabeth II nang mag-desisyon ang dalawa na lisanin ang royal family.

Ang mag-asawang Prince Harry at Meghan kasama ang dalawa nilang anak na sina Archie Harrison Mountbatten-Windsor (4) at Lilibet `Lili’ Diana Mountbatten – Windsor (2) ay nakatira ngayon sa kanilang nabiling $14.65M 18,000 sq. ft., 9-bedroom with 16 bath house with a huge garden kung saan malayang nakakapaglaro ang dalawa nilang anak.

Dahil sa desisyon ng mag-asawang Prince Harry at Meghan na manirahan sa Amerika, tinanggal sa kanila ang kanilang Frogmore Cottage (house) in Windsor and was given to another member of the royal family.

Nadagdagan ang sama ng loob ng royal family sa mag-asawa nang mag-grant ng explosive interview sina Prince Harry at Meghan sa Queen of Talk Shows sa Amerika na si Oprah Winfrey nung March 7, 2021 kung saan ibinahagi ng controversial couple ang maraming sikreto sa loob ng palasyo at kasama na rito ang naging away ng magkapatid na Prince William at Prince Harry.

Nang sumakabilang-buhay si Queen Elizabeth II, grandmother nina Prince William at Prince Harry nung September 8, 2022, lumipad ng United Kingdom si Prince Harry at kanyang ipinakita ang kanyang huling respeto sa kanyang namayapang paternal grandmother. Naging civil lamang ang pakikitungo ng magkapatid na Prince William at Prince Harry maging ang ibang miyembro ng royal family. Hindi kasama ni Prince Harry ang kanyang misis na si Meghan.

Lalong lumala ang relasyon nina Prince Harry at Meghan sa royal family nang ilabas ni Prince Harry nung January 10, 2023 ang kanyang contrsoversial book na “Spare”.

At the coronation day ni Prince Charles III nung May 6, 2023 na ginanap sa Westminster Abbey, dumalo rin si Prince Harry minus Meghan at dalawa nilang anak at pagkatapos ng seremonyas ay agad din itong umalis pabalik ng Amerika.

Although naging tahimik lamang ang palasyo nitong mga nakaraang taon na may kinalaman kina Prince Harry at Meghan, ikinagulat na lamang ng marami nang mag-desisyon si King Charles III na tuluyan nang tanggalan ng kanilang royal titles effective immediately ang mag-asawa, isang major move na hindi inaasahan maging nina Prince Harry at Meghan.

Ngayong tinanggalan na ng royal titles sina Prince Harry at Meghan, nangangahulugan din ito na wala na silang magiging proteksyon at privileges bilang miyembro ng royal family and they have to support themselves and their children by working to become financially independent in their private capacity at wala na ring chance si Prince Harry na sumunod sa ascendancy ng trono lalupa’t panglima pa siya after Prince William at tatlo nitong mga anak na sina Prince George of Wales, Princess Charlotte of Wales at Prince Louis of Wales.

Si Princess Charlotte bale ang sumalo sa dating titulo ng namayapang ina nina Prince William at Prince Harry na si Princess Diana na ex-wife ni King Charles III.

In fairness naman kina Prince Harry at Meghan, never na silang umasa sa royal family magmula nang mag-desisyon silang bumaba at tumalikod sa kanilang senior royal duties nung January 2020.

Atayde at Mendoza family nagkakaisa

AtaydeAtayde1IPINAGDIWANG ng phenomenal star na si Maine Mendoza ang kanyang 29th birthday last March 3 kasama ang respective families nila ng kanyang mister, ang actor-politician na si Arjo Atayde sa Hapag restaurant in Quezon City kung saan present lahat ng pamilya ni Maine maging ang pamilya ni Arjo. Ito’y indikasyon na magkasundung-magkasundo ang respective families ng celebrity couple.

Bukod sa parents ni Maine na sina Teodoro at Mary Anne Mendoza maging ang kanyang mga kapatid, in-laws at mga pamangkin, kumpleto rin ang pamilya ni Arjo, ang kanyang parents na sina Art Atayde at Sylvia Sanchez, sister Ria Atayde at fiancé nitong si Zanjoe Marudo at dalawa pang nakababatang mga kapatid na sina Gela at Xavi.

Masayang-masaya ang naging kaganapan sa kaarawan ni Maine na hinihiritan na ng apo ng kanyang father-in-law na si Art Atayde.

Andi durog na durog sa pagkamatay ni Jaclyn

Andi2JacklynAndi3DEVASTATED ang Siargao-based actress at surfer na si Andi Eigenmann sa untimely na pagpanaw ng kanyang ina, ang veteran at award-winning actress na si Jaclyn Jose who died of heart attack nung umaga ng Saturday, March 2 (not March 3 as earlier reported). She happened to be alone at that time dahil nag-day off umano ang kanyang kasamang yaya.

The very next day ay agad lumipad si Andi patungong Maynila para personal na pamahalaan ang wake ng kanyang namayapang ina na agad ipina-cremate at kasalukuyang naka-burol sa Arlington Memorial Chapels in Quezon City.

Sa unang gabi ng lamay last Monday, March 4 ay namataan doon sina Christopher de Leon at asawang si Sandy Andolong, Lorna Tolentino, Amy Austria, Isabel Rivas, Alden Richards, Claudine Barretto, Direk Adolfo Alix, Jr. at iba pa.

Nakaalalay kay Andi ang kanyang half-brother (sa father side) na si Gabby Eigenmann, ang kanyang tiyahin at kapatid ni Jaclyn na si Veronica Jones, ang panganay niyang anak (kay Jake Ejercito) na si Ellie at iba pang mga kaanak at kaibigan.

Si Andi ay isa sa mga anak ng namayapang actor na si Mark Gil. Ang iba pa nitong mga anak ay sina Sid Lucero, Gabby, Max at Ira Eigenmann. Kahit magkakaiba ang kanilang ina ay close ang magkakapatid (sa ama).

Si Andi ay may isang half-brother sa kanyang ina na si Gwen Garimond Guck Ilagan na ang ama naman ay miyembro ng rock band na The Dawn na si Kenneth Ilagan.

Andi gave up her flourishing career in Manila para mamuhay ng tahimik at simple sa isla ng Siargao kung saan niya nakilala ang island surfer champion at fiancé na niya ngayon na si Philmar Alipayo, ama ng dalawa niyang anak na sina Lilo at Koa. Although buhay pa si Jaclyn nang ma-engaged ang dalawa, hindi na nito naabutan ang planong pagpapakasal nina Andi at Philmar.

Samantala, ang maagang pagpanaw ng award-winning actress na si Jaclyn ay naging malaking kawalan sa industriya ng pelikulang Pilipino na kasalukuyang nagluluksa.

Bunny na-miss ang local showbiz

BunnyBunny1HINDI ikinakaila ng Los Angeles, California-based actress at dating member ng youth-oriented program na “That’s Entertainment” ng GMA na si Bunny Paras na sobra umano niyang na-miss ang showbiz sa Pilipinas maging ang ina at ang kanyang elder sister, ang actress na si Sharmaine Arnaiz and her family at mga kaibigan na sampung taon umano niyang hindi nakita.

Taong 2001 nang mag-desisyon si Bunny na talikuran ang kanyang showbiz career nang ito’y makipagsapalaran sa Amerika kasama ang kanyang three-year-old then daughter na si Moira na ang ama ay ang radio DJ na si DJ Mo (Mohan Gumatay).

Hindi ikinakaila ni Bunny na mahirap ang mamuhay at mamirmihan sa Amerika na wala pang stable job na naghihintay sa kanya at mag-isang buhayin ang kanyang anak na si Moira pero kinaya umano niya ito. It was a struggle na hinding-hindi umano niya makakalimutan pero ito umano ang nagturo sa kanya ng leksyon na maging matapang na harapin ang buhay.

Ang pagdating sa kanyang buhay ng kanyang Fil-American ng husband na si Thomas Greenway ay blessing niyang maituturing dahil bukod sa pagiging responsible nito bilang family man, trinato niya si Moira na parang sarili niyang anak and he also adopted her kaya Greenway ang bitbit na apelyido ni Moira.

Moira was ten years old nang ito’y ma-diagnose ng rare illness na Friedtreich Ataxia na naging sanhi ng kanyang pagiging disabled at naging dependent siya sa wheelchair. Pero matiyaga siyang binubuhat at kinakarga ng mister ni Bunny na si Tom hanggang sa paglaki nito at maging independent.

Blessing ding itinuturing ng mag-asawang Tom at Bunny nang makatagpo si Moira ng taong mamahalin at magmamahal at mag-aalaga sa kanya nang husto sa kabila ng kanyang kapansanan, ang kanyang fiancé na ngayon, ang American na si Nicholas Ashbury na nag-propose sa kanya last July 2023 sa Ashbury Park in New Jersey, USA. The engaged couple ay nakatakdang ikasal sa darating na May 19, 2024 sa Florida, USA kung saan ngayon naka-base ang dalawa.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE