Lagdameo

Rehab ng apektado ng shearline sa Mindanao pinamamadali ni PBBM

January 25, 2024 Chona Yu 131 views

PINAMAMADALI ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang rehabilitasyon ng mga lugar na naapektuhan ng shearline sa Mindanao.

Pinapunta na ni Pangulong Marcos si Special Assistant to the President Antonio Lagdameo Jr. para personal na tutukan at alamin ang sitwasyon sa naturang mga lugar.

Ininspeksyon ni Lagdameo at ni Presidential Assistant for Eastern Mindanao Leo Tereso Magno ang mga apektadong lugar para alamin ang pinsalang idinulot ng shearline at ang pangangailangan ng mga residente.

Nangako si Lagdameo na direktang idudulog kina Department of Public Works and Highways Secretary Manuel Bonoan, Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. at Environment Secretary Maria Antonia Yulo-Loyzaga ang mga pinsala sa imprastraktrura at agrikultura para sa agarang rehabilitasyon.

Ayon sa Presidential Communications Office, 134,000 pamilya sa Davao region ang matinding naapektuhan ng shearline na nagdulot ng pinsala sa imprastraktura na umaabot sa P26 milyon at pananim na nagkakahalaga ng P68 milyon.

AUTHOR PROFILE