Suspek TIKLO–Si alyas Efren matapos maaresto dahil sa kasong statutory rape. Kuha ni Gil Aman

Rape suspek huli sa Laguna

February 26, 2024 Gil Aman 84 views

CAMP GEN. Paciano Rizal–Isang lalaki ang nalambat noong Linggo dahil sa kasong statutory rape sa Magdalena, Laguna.

Nadakip si Alyas Efren ng Magdalena, Laguna. sa Brgy. Bucal, Magdalena, Laguna, ayon kay P/Col. Gauvin Mel Unos, acting director ng Laguna Police Provincial Office.

Base Sa ulat ni PCpt. Errol Frejas, hepe ng Magdalena police, nagkasa sila ng manhunt operation alas-11:20 ng umaga na nagresulta sa pagkadakip sa suspek sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Family Court, Fourth Judicial Region, Branch 6 ng Sta. Cruz, Laguna.

Ayon sa pahayag ni PCol. Unos: “Ako’y nagpapasalamat sa ating mga kababayan sa kanilang pagtulong at pagsuporta sa ating kapulisan para sa matagumpay na pagkakaaresto ng mga taong nagtatatago sa batas.”

AUTHOR PROFILE