Crime

Ama dedo, anak sugatan sa pamamaril

February 26, 2024 Jojo C. Magsombol 98 views

PATAY ang isang lalaki at malubhang nasugatan ang anak nito matapos pagbabarilin ng mga hindi kilalang salarin habang nakamotor sa Purok 7, Brgy. Pinagkawitan, Lipa City, Batangas noong Sabado.

Kinilala ng Lipa City police ang namatay na si Roger Japlos Basco, 47, at sugatan si Rico Japlos Valencia, mga residente ng Sitio Cdway, Purok 7.

Naka-helmet at itim na jacket ang dalawang salarin na sakay ng asul na Raider motorcycle. Nangyari ang pagpatay alas-7:40 ng umaga ng papasok sa trabaho ang mag-ama.

Bumagsak ang mag-ama sa kalye na kapwa dahil sa pamamaril at duguang iniwan ng salarin patungo sa di pa malamang direksyon.

Idineklarang dead-on-arrival si Roger alas-8:45 ng umaga ni Dr. Michael Mapalad, attending physician at stable na ang anak.

Narekober ng mga otoridad ang apat na piraso ng mga basyo ng bala ng kalibre .45 sa pinangyarihan ng krimen.

AUTHOR PROFILE