Crime

RADIO COMMENTATOR DEDO SA AMBUSH!

May 31, 2023 Zaida I. Delos Reyes 171 views

PATAY ang isang radio commentator matapos barilin ng dalawang hindi pa nakikilalang suspect nitong Miyerkules ng madaling araw sa Calapan City , Oriental Mindoro.

Nakilala ang biktima na si Cresenciano Bunduquin, 50.

Batay sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong 4:20 ng madaling araw sa C-5 road, Barangay Sta Isabel sa nasabing lungsod.

Nakatayo umano ang biktima sa tapat ng isang sari-sari store nang barilin ng dalawang suspect na lulan ng isang motorsiklo.

Matapos ang insidente ay mabilis na tumakas ang mga suspect habang isinugod naman sa pagamutan ang biktima subalit hindi na ito umabot ng buhay.

Kaugnay nito, sinabi ni PNP-Public Information Office (PIO) chief Police Brig. Gen. Redrico Maranan, iniutos na ni PNP chief Gen. Benjamin Acorda ang pagbuo ng Special Investigation Task Group na siyang tututok sa imbestigasyon.

“The PNP will establish a Special Investigation Task Group to handle the investigation. This will pave way for a deeper probe to expedite the gathering of pieces of evidence and testimonies,” pahayag ni Maranan.