Jeric

Rabiya at Jeric, magka-holding hands rumampa sa ‘Voltes V’ screening

April 19, 2023 Jun Nardo 280 views

TULOY ang maliligayang araw ng showbiz couple na sina Rabiya Mateo at Jeric Gonzales.

Hawak kamay habang rumarampa ang on-and-off showbiz couple na sina Rabiya at Jeric nang dumalo sa special screening ng first few episodes ng GMA’s Voltes V: Legacy nitong nakaraang araw sa SM North EDSA The Block.

Eh, kahit sinasabi ng dalawa na wala na silang relasyon, marami pa rin ang hindi naniniwala.

Balitang madalas sunduin ni Jeric si Rabiya tuwing matatapos ang taping sa GMA show na TikToclock, huh!

Pero friends na lang daw ang drama. Wala nga lang silang takot idispley ang kanilang affection sa isa’t isa sa publiko, huh!

Bahala na nga kayo sa buhay ninyo! Matatanda na kayo, ‘no? Hahaha!

DIREK MARK, EMOSYONAL SA ‘VOLTES V’ SCREENING

SPEAKING of Voltes V Legacy, impressive ang pagkakagawa ni Direk Mark Reyes pati na ang lahat ng taong involved sa live animation ng minahal na robot sa Japan at sa bansa.

Sa mediacon ng GMA series bago ang special screening, naging emosyonal si Direk Mark.

Hindi niya inakalang aaprubahan ng GMA bosses ang paggawa nito.

Nu’ng simulang gawin, pandemic at ang hirap ng protocols. Tapos, may lagare pa si Dennis Trillo na ibang series kaya kinailangang tapusin ng aktor ang ibang trabaho bago harapin ang Voltes V.

Winner din ang lumabas bilang Voltes V team na sina Miguel Tanfelix, Ysabel Ortega, Radson Flores, Matt Lozano at Ralph Landicho.

Nakakaiyak ‘yung eksena ng magkakapatid na Miguel, Matt at Raphael sa lumabas na ina nilang si Carla Abellana.

Magandang panoorin sa big screen ang Voltes V Legacy kaya habulin ninyo sa mga sinehan bago ang telecast nito sa May 8 sa free TV.

AUTHOR PROFILE