Quiboloy

QUIBOLOY GUN PERMITS KANSELAHIN

April 15, 2024 PS Jun M. Sarmiento 75 views

Quiboloy1Giit ni Sen. Risa

AGARANG pagkansela at rebokasyon ang rekomendasyon ni Sen. Risa Hontiveros para sa “license permit to own and possess firearms” na in-issue ng Philippine National Police (PNP) kay Pastor Apollo Carreon Quiboloy, matapos ilabas sa iba-ibang social media ang diumano’y mga litrato ng private army ng fugitive na lider at founder ng Kingdom of Jesus Christ.

Ayon kay Hontiveros, maliwanag umano na ang mga ito ang ginagamit na sangkalan ni Quiboloy upang maipakitang may puwersa siyang lalaban para sa kanya, kung kaya’t marapat lamang aniyang ikansela ng agaran ang mga inisyung permit para sa mga naturang armas.

“Quiboloy is armed and dangerous. Buhay na buhay ang mga armadong sundalo niya na handang magpakamatay para sa kanya. The PNP should confiscate these firearms at once,” ani Hontiveros.

Matatandaang nagpahayag kamakailan lamang ang PNP na kumpirmadong 19 armas ang nakarehistro sa pangalan ni Quiboloy at itinuturing nilang hindi banta si Quiboloy.

Sinabi pa ng PNP na walang dapat ikapangamba dahil wala namang dating record ito ng anumang krimen o anumang record na ito ay may mine-maintain na private army.

“The PNP should do better. Alam na ng lahat sa social media na may private army siya, pero bakit parang nagbubulag-bulagan pa sila? Pugante na si Quiboloy kaya huwag na dapat mag-alangan ang PNP na bawiin ang mga armas niya,” ani Hontiveros.

Idinagdag pa ni Hontiveros na dapat lamang umanong gawin ng PNP ang lahat sa abot ng kanilang makakaya sa pagdakip kay Pastor Quiboloy, kaugnay ng dalawang warrant of arrest na kasalukuyan nitong kinakaharap dahil sa kasong sekswal na pangaabuso sa mga menor de edad na inisyu ng korte kamakailan.

“I urge the new PNP chief, PGen. Rommel Marbil, to step up. There could be a failure of intelligence if it takes this long to locate Quiboloy’s whereabouts. Dalawang warrants of arrest na ang na-issue pero di pa maaresto. Along with his private army, he is a threat to peace and order in the country,” giit ng senadora.