Default Thumbnail

QCTODA nagpasalamat sa fuel subsidies

January 28, 2023 Jun I. Legaspi 191 views

TAIMTIM na nagpasalamat ang 24,700 mga opisyal at miyembro ng Quezon City Tricycle Operators and Drivers Associations (TODA) kay Quezon City Mayor Joy Belmonte sa ibinigay nitong P1,000 ayuda bilang fuel subsidy.

Personal at nilibot ni Mayor Belmonte ang lahat ng distrito ng siyudad at personal na inibinigay nito ang fuel subsidy fleet cards sa mga opisyales at miyembro ng mga TODA sa lungsod.

Ayon sa mga opisyales at miyembro ng QCTODA, napalaking tulong ang ayuda sa kanila lalo na at pataas na naman ang trending ng presyo ng petrolyo lalo na ang gasolina na pangunahing ginagamit ng TODA.

“P1,000 ay P1,000 libo at malaking tulong ito sa lahat ng miyembro ng TODA dito sa Quezon City lalo na po at eto tataas na naman ang presyo ng gasolina per litro kaya sana po ay ituloy-tuloy ni Mayora ang progrma,” saad ng mga opisyales at miyembro ng QCTODA.

Ayon sa QC city government, ang inisyatibo ng pamimigay ng ayuda o fuel subsidy ni Mayor Belmonte, ay hangaring mailapit ang lokal na pamahalaan sa mga residente nito sa lahat ng distrito ng lungsod at maipadama nito ang tunay na pagmamahal ng isang “Ina at bilang Nanay ng Lungsod ng Quezon.”

Kaugnay nito nanawagan ang QCTODA kay Belmonte na atasan ang Department of Public Order and Safety (DPOS) na paigtingin pa ang paglaban sa mga “colorum” umano na umaagaw ng kanilang kinikita.

Sa reklamo ng mga ito, ang mga colorum ang naniningil ng sobra sobrang pamasahe sa mga pasahero lalo na sa mga dis-oras ng gabi.

AUTHOR PROFILE