Pulis SEGURIDAD NG MAMAMAYAN – Pinangunahan ni Police Maj. Roberto Fajardo, Commander ng Paco PCP ng MPD Station 5, ang pagsasagawa ng clearing at patrolling operations sa kahabaan ng Angel Linao at Gen. Luna sa Ermita, Manila para sa seguridad ng mga mamamayan. Kuha ni JON-JON REYES

Pulis sinisigurong ligtas mga mamimili sa Ermita

November 13, 2021 Francis Naguit 205 views

PINANGUNAHAN ni Police Maj. Roberto Fajardo, Commander ng Paco PCP ng MPD Station 5, ang pagsasagawa ng clearing at patrolling operations sa kahabaan ng Angel Linao at Gen. Luna sa Ermita, Manila para sa seguridad ng mga mamamayan ngayon nalalapit ang araw ng kapaskuhan.

Ito ay matapos na atasan ni PLt. Col. Evangeline Cayaban, Commander ng MPD Station 5, ang mga kapulisan sa Paco PCP na palaging magsagawa ng patrolling at clearing operation sa kanilang nasasakupang lugar sa Paco kabilang ang mga vendors na nagtitinda sa mga bangketa at mga pedicab na nakaharang sa mga daanan ng mga mamimili na nilinis at pinaghuhuli ng mga kapulisan.

Base na rin sa mga reklamo ng mga legal na nagtitinda sa palengke, sila ay nahaharangan at di makadaan ang kanilang mga suki sa kanilang pwesto sa palengke kung kayat agad na inabiso ni Cayaban, partikular ang kahabaan ng Angel Linao at General Luna Sts. sa Pedro Gil, Ermita, na linisin at hulihin ang mga nakahambalang na mga nagtiitinda sa kalsada at bangketa at mga pedicab na siya namang nagpapasikip ng daloy ng trapaiko sa nabangit na lugar.

Ayon naman kay Fajardo, patuloy at di tumitigil ang mga operations tulad ng clearing at patrolling sa kanilang area of responsibility para sa kaligtasan ng mga mamimili at maiwasan ang mga kriminal tulad ng snatcher at holdaper.

Nagbigay din ng paalala ang mga kapulisan na panatilihin ang social distancing at tamang pagsusuot ng face mask.

Sinabi naman ni MPD Director PBGen. Leo M. Francisco na wag tumigil sa kanilang mga ginagawang operations lalo na ngayong nalalapit na ang araw ng kapaskuhan.

Gawing 24/7 ang pagsagawa ng patrolling upang maabisuhan ang mga mamamayan na maging maingat sa kanilang pamimili at ugaliin sumunod sa mga health protocol kahit na nasa COIVID-19 Alert Level 2 na ang Metro Manila. Nina Francis Naguit & Jon-Jon Reyes

AUTHOR PROFILE