Program TULONG–Mismong si Police Regional Office (PRO)-3 chief Brig. Gen. Jose S. Hidalgo Jr. ang nanguna sa medical, dental, optical at legal services sa Cuyapo, Nueva Ecija noong Biyernes. Kasama niya sa program sina Col. Marites Salvadora (kanan), Cuyapo police chief Lt. Col. Erwin V. Ferry, Bgy. Captain Jaime Llana at Pastor Reynaldo Redima.

PRO-3 chief nanguna sa outreach program sa NE

February 24, 2024 Steve A. Gosuico 126 views

Program1CUYAPO, Nueva Ecija–Nasa 1,125 residente ng bayang ito ang nakinabang sa community outreach program na pinangunahan ng Police Regional Office 3 sa pamumuno ni Brig. Gen. Jose Hidalgo Jr. noong Biyernes.

Nagbigay ng libreng medikal, dental at optical service ang outreach program na ginanap sa gymnasium ng Brgy. San Antonio.

“Sabi nga nila, health is wealth. Walang makakapantay na kayamanan sa mundo kundi ang kalusugan natin.Ngunit hindi po libre ang pagme-maintain ng isang magandang kalusugan.

Mayroon pong kaakibat na bayad iyan, kaya po natin dinadala iyung ganitong programa natin na libreng medical, dental at optical,” pahayag ng police general.

Bukod sa libreng serbisyo, namahagi din ng mga libreng gamot at de-lata sa mga residente.

Sinabi ni Lt. Col. Jesus S. Ostrea III, regional medical at dental unit-3 head, na may kabuuang anim na doktor, tatlong dentista, isang ophthalmologist, walong nars, isang pharmacist, isang x-ray technician at dalawang medical aides ang nakibahagi sa aktibidad.

Nabigyan ng pagkakataong manalo ng cash prizes ang mga residente kung masasagot ng tama ang ilang katanungan na may kaugnayan kay PRO-3 chief.

Dumalo rin para magbigay ng libreng legal na konsultasyon ang mga abogado ng PRO-3 na sina Kapitan Rudy Bandolin Jr. at Gerald Mamaradlo, mga legal officer ng Nueva Ecija police office at ng Tarlac provincial office.

Kabilang din sa outreach program sina police head Lt. Col. Erwin V. Ferry, Barangay Chairman Jaime Llana, Pastor Reynaldo G. Redima at retired Colonel Manuel S. Hidalgo.

AUTHOR PROFILE