Polo

Polo says ex-manager not only a mentor but a big brother

November 10, 2022 Aster Amoyo 456 views

Polo1

AFTER over two decades being with his former manager na si Manny Valera, actor Polo Ravales is now under the wing of Tyronne Escalante Artist Management. But the actor credits his former manager as not only for being his mentor but a big brother, as well.

“Siguro kung anuman ang narating ko, nagawa ko ‘yun nang dahil sa kanya (Manny),” pahayag ni Polo nang aming makapanayam para sa aming online show, “TicTALK with Aster Amoyo” kamakailan lamang.

With his new management, umaasa si Polo na mabibigyan siya ng panibagong lease ng kanyang career lalupa’t pumasok na rin siya sa panibagong chapter ng kanyang buhay, ang pagkakaroon ng sariling pamilya.

Polo is now engaged to his non-showbiz fiancée na si Paulyn Quiza, an online fitness coach and entrepreneur, annulled from her ex-husband with whom she has a 12-year-old son.

The couple have a son na si Yatrick Paul who turned one last September 6. Polo and Paulyn met sa pamamagitan ng isang blind date arranged for them by a common friend sa isang bar in BGC on December 28, 2017.

Inamin ng actor na nakaramdam umano siya ng emptiness nung araw mismo ng Pasko (December 25, 2017) pagkatapos ng kasiyahan with his family.

“I felt alone. Parang may hinahanap akong gusto kong makasama. I was single then. I promised myself na hindi na ako mag-aasawa para focused lang ako sa sarili ko but I was wrong. Biglang may hinahanap ako,” salaysay niya.

At the bar kung saan sila magkikita ng kanyang ka-blind date, nagdasal umano siya (sa kanyang sarili) na sana’y makatagpo siya ng bagong mamahalin at makakasama sa buhay at agad dininig ng Diyos ang kanyang dalangin.

When he finally met Paulyn, he thought for himself na natagpuan na niya ang babaeng hinahanap niya. They hit off right away. Ang kanilang first meeting ay nasundan pa hanggang sa ipakilala ni Polo si Paulyn sa kanyang pamilya. And on New Year’s eve ay ipinakilala naman ni Pau ang actor sa kanyang parents. Nabigla ang mga ito dahil after mahiwalay si Pau sa una nitong mister ay wala pa itong ipinapakilalang ibang guy sa kanila.

Palibhasa’y actor at bukas na aklat ang kanyang buhay including his romantic relationships in the past, ito ang tumatak sa mom ni Paulyn. Pero sa kalaunan ay naipakita ng actor ang kanyang pure intention sa kanilang anak kaya nakuha na rin niya ang loob ng parents ni Pau lalung-lalo na ang kanyang mom

On December 25, 2018, Polo proposed to Pau but the wedding date has been moved several times hanggang sa ito’y abutin ng pandemic.

Plano ng engaged couple na unahin na muna ang civil wedding (hopefully this year) bago ang kanilang planong garden wedding in Tagaytay at ito ang gusto nilang pag-ipunan.

Polo is 25% German whose father is a Filipino-German. His full name is Paul Patrick Rodil Gruenberg and he turned 40 last June 27.

At 40, aminado si Polo na nag-mature na umano siya sa kanyang pananaw sa buhay. He is more focused now being a family man. Itinigil na rin umano niya ang gimik, paninigarilyo at pag-inom (social drinking na lamang) at ina-attribute niya ito kay Pau.

Parehong hands-on parents sina Polo at Pau sa kanilang one-year-old son habang nakasubaybay din sila sa 12-year-old son ni Pau.

“Somehow, nakita na namin ang purpose para sa amin ng Diyos kaya kami pinagtagpo,” pag-amin ng actor.

Circus

World renowned circus act nagbabalik

PAGKALIPAS ng sampung taon, ang world-renowned Super American Circus na binubuo ng 25 circus acts mula sa America, Canada, Russia, Brazil at iba pang western countries ay muling babalik sa Pilipinas for a limited performance at the Newport Performing Arts Theater in Resorts World – Manila in Pasay City mula December 21, 2022 hanggang January 8, 2023. Pagkatapos nito ay mag-iikot ang SAC sa southern cities ng Cebu, Davao, Cagayan de Oro at iba pang lugar para magkaroon naman ng pagkakataon ang ating mga kababayan sa South na matunghayan ang kanilang death-defying circus acts .

Sa loob ng sampung taon ay maraming bagong miyembro at acts ang nadagdag na tiyak na lalong kagigiliwan ng mga manonood na pami-pamilya kung dumating laluna na ang kanilang mga thrilling acts.

Ang two-hour treat ay pinakamalaking ensemble ng live one-ring circus na madalas nabibigyan ng standing ovations sa kanilang mga performances sa buong mundo.

Bukod sa amazing jugglers, aerial ballerinas, life-challenging aerialists, tiyak na aabangan ang sky wheel, ang high-flying motorcycle at iba pang death-defying acts na never pa napanood noon.

Si Elaine Alcorn ang tumatayong artistic director and choreographer na super excited na makarating ng Pilipinas for the first time dahil gusto raw niyang matikman ang mga Filipino food at makita ang magagandang tanawin ng bansa.

Ang pagdating sa Pilipinas ng Super American Circus ay magiging posible dahil sa pagtutulungan ng mga producers na sina G. Edwin Chiong at G. Johanan Soyangco ng Paramount International Arts and Entertainment.

Tickets are fairly priced at P5,000, P4,000, P2,000 and P1,000 para mas maraming pamilya laluna na ang mga bata ang makapanood.

KitSexy

Sexy film na malinis ang kuwento

FIRST time ng Cinemalaya award-winning director na si Carlo Obispo nagdirek sa bakuran ng Viva Films for Vivamax streaming sa pamamagitan ng pelikulang “Showroom” kung saan mga pangunahing bituin sina Rob Guinto at ang writer-sexy actress na si Quinn Carillo kasama sina Massimo Scofield, Alvaro Oteyza at iba pa. Sa nasabi ring pelikula nagbabalik ang controversial actor na si Kit Thompson na inasahan din naming makakabalik dahil isa siyang mahusay na actor.

Sa kabila ng maraming sexy and intimate scenes ng pelikula, malinis ang pagkakagawa nito at naging loyal ang director sa kuwento ng pelikula na sinulat ni Quinn.

Dahil sa magandang pagkakagawa ng “Showroom” ni Direk Carlo (although first time siyang nakagawa ng ganitong klaseng pelikula), asahan ang pagiging sunud-sunod ng mga proyekto niya for Vivamax although first time siyang nakagawa ng ganitong klaseng pelikula.

And in fairness kina Rob at Quinn, pareho silang mahusay in this movie as real estate agents with special service on the side.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo”ang “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE