Pokwang

Pokwang, take 2 sa foreigner

June 14, 2023 Jun Nardo 367 views

PANGMALAKASAN ang rason ni Pokwang sa pagsasampa niya ng petition for deportation laban sa dating partner na si Lee O’Brian.

Inihain ni Pokey, kasama ang lawyer, ang kanyang petition for deportation sa former partner sa Bureau of Immigration nitong nakaraang araw.

Sigaw ng komedyana sa caption ng petition sa kanyang Instagram: “Para sa karapatan ko at ng anak ko, para sa mga kapwa babae at sa bayan ko.”

Isang matabil na follower niya ang nagkomento ng, “Ano ang kinalaman ng lovelife mo sa bayan mamang?”

Of course, dedma si Pokwang sa bashers niya. Basta gusto niyang mapalayas sa bansa ang taong minsan ay minahal niya.

Samanatala, kung totoo ang balita, isang foreigner-actor ang nakatakdang makasama sa movie ni Pokwang.

Siya ay ang bumisita sa bansa na Venezulean actor na si Fernando Carillo.

Si Carillo ang nakapareha ni Thalia sa hit series na Rosalinda.

Naku, foreigner na naman ang kapareha ni Mamang, huh!

AUTHOR PROFILE