POGO worker ‘tumalon’ sa condo

November 15, 2021 Francis Naguit 146 views

Hindi makauwi sa China para dalawin may sakit na ina

HINIHINALANG nagka-problema sa antigen test kaya hindi umano makauwi sa China ang isang 22-anyos na empleyado ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) kung kaya’t pinaniniwalaang tumalon ito sa bintana ng tinutuluyang condominium sa Adriatico St., Ermita, Lunes ng madaling araw.

Ayon kay MPD-District Director, P/ Brigadier General Leo ” Paco” Francisco, ang nasabing POGO worker ay customer representative ng Vertex Digital Entertainment Inc.at nanunuluyan sa Century Peak Tower sa panulukan ng Adriatico at Monica Streets sa Ermita.

Base sa ulat ng MPD – Homicide Section, madaling araw umano nang maisipang tumalon ng workee mula sa pangalawang palapag ng condominium.

Gayunman 8:00 na ng umaga nang madiskubreng patay ang biktima, dahil madilim pa sa lugar .

Huling nakitang buhay ang biktima ng isang Hui Yan Cai, roommate at kasama sa trabaho nito, bandang 4:00 ng madaling araw.

Sinabi umano ng POGO worker ang problema nito sa antigen test.

Lumitaw sa imbestigasyon ni Det.Teody Siguen, may hawak ng kaso, na mataas umano ang antibody nito dahilan para hindi ito makauwi sa China para dalawin ang kanyang inang may sakit.

Sa pahayag ni Celso Diola, nakatalagang sekyu ng Condo, bandang 4:30 ng madaling araw nang makarinig ito ng malakas na kalabog sa ikalawang palapag ng binabantayang construction site.

Hindi umano ito pinansin ni Diolola dahil madilim sa lugar at umaga na nang madiskubreng patay ang POGO worker.

Ayon pa sa imbestigasyong nakalap ni Det.Siguen, sa bintana umano tumalon ang biktima at bumagsak sa katabing construction site.

Si labi ng POGO worker ay pansamantalang inilagak sa Cruz Funeral morgue para sa kaukulang awtopsiya habang inaalam kung may foul play dito. Nina FRANCIS NAGUIT & JON-JON REYES

AUTHOR PROFILE