Default Thumbnail

PNP Region 3 tinodo giyera sa droga

September 26, 2021 People's Tonight 359 views

MATAPOS itanghal bilang “Best Police Regional Office”, kaya lalo pang nagpakitang gilas ang Philippine National Police (PNP) Region 3 makaraang makakumpiska ng mahigit sa P5 milyong marijuana sa Pampanga at pagkaaresto naman ng isang CAFGU sa Nueva Ecija na tulak ng droga.

Ayon kay PRO 3 Chief Brig. Gen. Valeriano de Leon, “todo na itong giyera namin sa drugs at hindi kami titiigil hanggat hindi nauubos ang droga dito sa Central Luzon”.

“Stop!!! Or don’t do drug business in my AOR (area of responsibility) kasi kung hindi namin kayo mahuhuli ay baka mapatay namin kayo kapag nanlaban kayo,” babala ni Gen. de Leon.

Una nang natimbog ang tatlong kalalakihan na may dalang 44 kilos ng marijuana na nagkakahalaga ng P5 milyon sa Mabalacat, Pampanga ng mga pulis.

Makalipas ang ilang oras, arestado naman ang isang CAFGU na nakilalang si Jaypee Rosario at dalawang sibilyan na kasama nito sa isang buy bust operation ng Nueva Ecija PNP.

Narekober sa mga suspek ang 1.9 gramo ng shabu at higit P9,000 cash.

“Aa mga drug syndicates I say, wag na ninyo kaming subukan dahil subok na kami,” hirit ni de Leon.

AUTHOR PROFILE