Default Thumbnail

Magtira naman para sa mahihirap – Yap

September 26, 2021 People's Tonight 263 views

HINIMOK ni ACT-CIS Cong. Eric Yap ang lahat ng tatakbo sa darating na halalan na magtira kahit konting pondo sa kanilang campaign para sa mga mahihirap na Pilipino.

Sinabi ni Cong. Yap, “sa dami ng tatakbo sa 2022, mula pangulo hanggang konsehal, tiyak makakalikom ng malaking pera para sa mga mahihirap na kababayan o constituents.”.

“Magtabi lang ng isa o ilang libo bawat politiko, sigurado ako, milyon ang malilikom na pondo”, dagdag ng mambabatas.

Aniya, ang pagtulong kasi sa mahihirap na kababayan ay hindi lang tuwing eleksyon kundi ay all year round lalong lalo na yung mga salat talaga sa buhay.

“Hindi naman siguro kabigatan ang isa o dalawang libong piso na ibabawas mo sa campaign fund mo para itulong sa kapwa?” dagdag pa ni Yap.

Kilala ang ACT CIS na tumutulong sa mga mahihirap at mga nasalanta ng bagyo.

Ngayong pandemya, pati local government units ay pinadalhan na rin nila ng tulong ng mag-lockdown ang National Capital Region (NCR).

AUTHOR PROFILE