Default Thumbnail

PNP chief Marbil: Pulis kailangan ng tulong pinansiyal

April 25, 2024 Alfred P. Dalizon 58 views

HINIKAYAT kahapon ni Philippine National Police chief General Rommel Francisco D. Marbil ang mga nakakaangat sa buhay na tulungan ang mga pulis at kanilang mga kaanak na salat sa buhay.

“Before we start helping other people, let us start helping each other first. Kaya po meron tayong Damayan and it will be replicated to all the regions,” sabi ng PNP chief.

Ayon sa hepe ng PNP, nais niya na ang mga mahihirap at maysakit na mga pulis at kanilang mga kaanak ang tumanggap ng lubos na tulong mula sa lahat ng mga nagmamalasakit sa kanilang organisasyon.

“Priority po natin ang kapwa pulis po natin. We help each other because nobody will help you but us–the Philippine National Police,” dagdag pa ng PNP chief.

Plano ng opisyal na gumawa ng mga makahulugang programa na higit na makakatulong sa mga pulis at kanilang pamilya na nangangailangan ng tulong, partikular na sa usaping medikal.

Sinabi niya na dahil sa kanilang trabaho, lalo na ang mga nagpa-patrol sa mga kalsada, madali silang kapitan ng mga sakit.

Kahit na mataas na ang kanilang suweldo, hindi pa rin maiiwasan na maraming miyembro ng PNP na hindi sapat ang sahod para tustusan ang kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.

Dagdag pa dito ang mga emergency hospital needs na hindi maiiwasan ng mga pulis at kanilang mga pamilya.

Sa kasalukuyan, mangilan-ngilang non-governmental groups lang ang nagbibigay ng tulong sa mga miyembro ng PNP sa tuwing nangangailangan sila ng medical assistance.

Isa na sa kanila ang Chinese General Hospital and Medical Center na nagbibigay ng libreng hospital services sa mga miyembro ng kapulisan na nasusugatan sa paglaban sa mga terorista o kriminal.

AUTHOR PROFILE