Kane

Pinoy Media Congress, ibabalik sa digital caravan

March 13, 2022 Ian F. Fariñas 409 views

Tuloy ang misyon ng ABS-CBN na maghatid ng kaalaman at inspirasyon sa mga kabataan sa gaganaping Pinoy Media Congress (PMC) Digital Caravan ngayong Marso, na dadaluhan ng mga estudyante mula sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Sa kauna-unahang pagkakataon, virtual ang isasagawang PMC na sinumulan ng ABS-CBN at ng Philippine Association of Communication Educators (PACE) noong 2005 upang tulungang ihanda ang mga estudyante ng komunikasyon sa papasuking larangan sa media.

Umarangkada na ito nu’ng Sabado (Marso 12) sa Biliran Province State University (BiPSU) at tutuloy sa University of the Philippines Mindanao (UP Mindanao) sa Marso 19 at De La Salle University Dasmariñas sa Marso 26, kung saan makakasama rin sa webinar ang daan-daang mga estudyante mula sa ibang unibersidad sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Kabilang sa mga speaker ng naturang digital caravan ang ABS-CBN journalist na si Jacque Manabat at ABS-CBN head of International Sales and Distribution na si Pia Laurel.

Magsasalita rin ang mga dating PMC delegate na ngayon ay tanyag ng mga eksperto sa kanilang larangan tulad nina PACE president Mark Lester Chico, ABS-CBN supervising producer EJ Mallari at ABS-CBN reporter Raya Capulong.

Anang ABS-CBN head of Integrated Corporate Communications na si Kane Errol Choa, “excited” ang ABS-CBN at PACE na ihandog ang PMC sa kabataan at bigyan sila ng masaya at makabuluhang mga aral na magagamit nila sa paaralan at sa buhay.

Dagdag niya, “ABS-CBN’s PMC has evolved over the years much as communication technology and Filipino’s media consumption. However, one thing remains constant, ABS-CBN will continue to be in the service of the Filipino students, professors, and universities through the PMC.”

Umaasa naman ang PACE president na si Mark Lester na magiging makabuluhan ang PMC Digital Caravan kaakibat ang ABS-CBN at PACE-member schools.

“We are very happy that this caravan will continue with three of our partner schools from Luzon, Visayas, and Mindanao. On behalf of PACE, ako po ay nagpapasalamat sa inyo at sana ay maging masaya at makabuluhan po ang ating gagawing PMC Caravan,” paliwanag ni Mark.

Magpapasaya rin sa digital caravan ang ilang Kapamilya stars.

AUTHOR PROFILE