Default Thumbnail

PINAY GINAHASA NG 3 NIGERIAN NAT’LS SA QC CONDO

June 30, 2023 Melnie Ragasa-limena 1073 views

NAHAHARAP sa kasong rape ang tatlong Nigerians matapos umanong gahasain ang isang babae na nakilala nila sa Tinder nitong Huwebes ng gabi sa loob ng isang condominium sa Quezon City.

Ayon sa pulisya, ang 30-anyos na biktima at ang tatlong suspek ay pare-parehong nakatira sa Grass Residences sa Bago Bantay, Sto. Cristo, Quezon City.

Sa report ng Quezon City Police District Station 15, nagkakilala ang 30-anyos na biktima at ang dalawa sa mga suspek sa dating application na Tinder.

Nagkasundo umano ang biktima at isa sa mga suspek na magkita noong Hunyo 29, 2023, sa condominium unit ng huli.

Diumano ay pumayag na makipagkita ang biktima dahil papahiramin umano siya ng pera ng isa sa mga suspek.

Nang makarating sa unit ng suspek ay hindi umano inakala ng biktima na pipilitin siya nitong makipagtalik sa kanya.

Maya maya ay may narinig umano siyang mga boses na nanggagaling sa labas ng kuwarto at nakita ang dalawa pang lalaki.

Agad umanong naghubad ng damit ang dalawa at halinhinan siyang ginahasa.

Nang matapos ang insidente ay agad na nagreklamo ang biktima sa pulisya na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek.