PNP Makikitang nag-uusap sina Col. Palmer Z Tria (kaliwa), Bataan police director , at Major Jonathan Mostoles, hepe ng Abucay police. Kuha ni CHRISTIAN SUPNAD

Pinakamalaki, pinakamagandang PNP station binuksan sa Abucay

March 9, 2024 Christian D. Supnad 131 views

PNP1ABUCAY, Bataan–Binuksan na kahapon ang bagong Abucay police station na itinuturing pinakamalaki at pinakamagandang police station sa bansa.

Nagkakahalaga ng P56 milyon ang Abucay Philippine National Police station na pinamumunuan ni Major Jonathan Mostoles, ang hepe ng pulis.

Dalawang gusali ang bagong Abucay police station na tig- tatlong palapag.

Galing ang pondo ng station kina Gov. Joet Garcia, Congressman Abet Garcia at Mayor Tagle.

Dumalo sa naturang blessing sina Col. Palmer Tria, police director ng Bataan; Vice Gov. Cris Garcia, Bokal Bong Galicia na kumatawan kay Gov Joet Garcia; Mayor Robin Tagle at ilang matataas na opisyal ng police at media.

Pinuri ni Mayor Tagle si Mostoles dahil sa umiiral na peace and order sa Abucay. Sinabi rin ni Tagle na dahil sa kasipagan ni Mostoles naging tahimik ang kanyang bayan, na dati-rati’y pugad ng New People’s Army.