Batangas TULONG–Nagpahatid ng pasasalamat ang Batangas Medical Center sa pagkilala na nakuha bilang Third Highest Amount of Downloaded Sub Allotment Funds to Medical Center sa pamamagitan ni Batangas 2nd district Rep. Atty. Gerville “Jinky Bitrics” Luistro. Kuha ni Jojo Cesar Magsombol

Courtesy Call

March 9, 2024 Jojo C. Magsombol 75 views

BATANGAS City– Nagcourtesy call kay Mayor Beverley Dimacuha ang delegasyon mula sa Ministry of Public Health of Indonesia ngayong araw, February 29.

Layunin ng naturang pagbisita na makita ang operasyon ng isang licensed laboratory.

Isa ang Batangas City government sa licensed LGU sa CALABARZON na nakakapag operate ng laboratoryo.

Inalam ng grupo ang proseso mula sa pagtanggap ng mga laboratory requests, specimen at pagsasagawa ng procedure hanggang sa mai-release ang resulta ng isinagawang ekaminasyon.

Nagsagawa din sila ng panayam sa mga Medical Technologists ng lokal na pamahalaan hinggil sa operasyon ng mga makina at iba pang aparato.

Bukod kay City Health Officer Dra Rosanna Barrion, kasama din nila ang mga kinatawan mula sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM), ang mga Health Security Partners ng US Department of State, Center for Health Development IV – CALABARZON at Batangas Provincial Health Office.

Ang nasabing Indonesian delegation ay nasa bansa para sa apat na araw na Laboratory Networks, Biosafety and Biosecurity capacity strengthening study tour.

AUTHOR PROFILE