Default Thumbnail

Women’s Month sa Baras ginugunita

March 9, 2024 Jojo C. Magsombol 68 views

BARAS, Rizal–Ginaganap ang Buwan ng Kababaihan sa buong buwan ng Marso sa Rizal para bigyang-pansin ang mga nai-ambag ng mga kababaihan sa iba’t-ibang aspeto ng buhay at upang itaguyod ang kanilang mga karapatan at kapakanan.

Kaisa ang Baras Municipal Police Station (MPS) sa pangunguna ni PMaj. Ryan Benjie Tasarra, Officer-In-Charge sa isinagawang parada para sa Women’s Month Celebrations sa Baras.

Kasama din dito ang mga nasa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), Baras, Bureau of Fire Protection (BFP) Baras, 80th IB, mga samahan ng mga kababaihan ng 10 barangay at empleyado ng lokal na pamahalaan ng Baras.

AUTHOR PROFILE