MPD Iniutos ni MPD Director Police Brig. Gen. Leo M.Francisco na palakasin ang pagbabantay ng mga kapulisan ng MPD-Sampaloc Police Station sa pangunguna ni Police Lt.Col. Gene Licud, upang masiguro ang kaligtasan at pagpapatupad ng social distancing sa mga nakapila para sa bakuna.

Pila para sa bakuna sa UST nagmistulang Bar Exams

July 27, 2021 Jonjon Reyes 528 views

MPD2NAGMISTULANG pila ng mga kukuha ng Bar Exam ang mgs pumila para sa COVID-19 bakuna sa kahabaan ng Espanya sa UST Sampaloc. Manila.

Kahit patuloy ang pagbuhos ng ulan ay pumila pa pa prin ang mga kasama sa A2 group o seniors at A3 o may comorbidity ang pumila upang mabakunahan laban sa CLVKD-19,

Iniutos ni MPD Director Police Brig. Gen. Leo M.Francisco na palakasin ang pagbabantay ng mga kapulisan ng MPD-Sampaloc Police Station sa pangunguna ni Police Lt.Col. Gene Licud, upang masiguro ang kaligtasan at pagpapatupad ng social distancing sa mga nakapila.

Nagpaalala naman ang lungsod ng Maynila sa mga nakapila para sa bakuna na iwasan ang siksikan at kumpulan, magsuot ng face mask at palaging mag-hugas ng alcohol upang maiwasan ang anumang uri ng sakit lalo na ang coronavirus 2019. Nina FRANCIS NAGUIT & JONJON REYES

AUTHOR PROFILE