PRC Larawan: PRC

PH may 6,180 bagong civil engineers

November 25, 2023 People's Tonight 194 views

UMABOT sa 6,180 ang bagong civil engineers ng bansa matapos pumasa sa Civil Engineers Licensure Examination nitong Nobyembre 2023.

Ang pagsusulit ay isinagawa sa iba’t ibang testing centers sa N.C.R., Baguio, Butuan, Cagayan de Oro, Calapan, Cebu, Davao, Iloilo, Koronadal, Legazpi, Lucena, Pagadian, Palawan, Pampanga, Rosales, Tacloban, Tuguegarao, at Zamboanga.

Ang mga miyembro ng Board of Civil Engineering na nagsagawa ng pagsusulit ay sina Engr. Praxedes P. Bernardo, chair; at Engr. Pericles P. Dakay at Engr. Romeo A. Estañero, mga miyembro.

Pumalo sa 33.26 percent ang passing rate dahil sa 6,180 ang pumasa mula sa 18,582 na examinees.

Nanguna sa naturang exam si Godfrey Correa ng Palawan State University – Puerto Princesa, na nakakuha ng 96.30 percent.

Samantala, nakuha naman naman ng pinakamataas na passing rate ang University of the Philippines matapos makamit nito ang 98.55 percent — 68 mula sa 69 examinees mula sa nasabing pamantasan ang nakapasa.

Maaaring ma-access ang listahan ng mga pumasa sa pamamagitan ng link na ito: https://drive.google.com/file/d/1i9vraI8IaqIFwFRB8XVgi8AiCUoPle2j/view

AUTHOR PROFILE