PRC Larawan: PRC

PH may 2,155 bagong radiologic and X-ray technologists

December 16, 2023 People's Tonight 169 views

UMABOT sa 2,155 ang bagong radiologic and Xray technologists ng bansa matapos pumasa sa X-Ray Technologists Licensure Examination nitong Disyembre 2023.

Ang pagsusulit ay isinagawa sa mga testing centers sa N.C.R, Baguio, Butuan, Cagayan de Oro, Cebu, Davao, Iloilo, Koronadal, Legazpi, Lucena, Pampanga, Rosales, Tacloban, Tuguegarao, at Zamboanga.

Ang mga miyembro ng Board of Radiologic Technology na nagsagawa ng pagsusulit ay sina Hon. Reynaldo Apolonio S. Tisado, chair; at Hon. Orestes P. Monzon, Hon. Bayani C. San Juan, Hon. Ma. Jesette B. Canales, at Hon. Roland P. Conanan, mga miyembro.

Pumalo sa 55.57 percent ang passing rate dahil sa 2,155 ang pumasa mula sa 3,878 na examinees.

Nanguna sa naturang exam si Sophia Vien Pereda mula sa Angeles University Foundation, na nakakuha ng 91.40 percent.

Samantala, nakuha naman ng Holy Angel University ang number one spot pagdating sa pamantasan na may pinakamataas na passing rate. Ito ay matapos pumasa ang 21 sa 22 examinees nito o 95.45 percent.

Maaari namang ma-access ang listahan ng mga pumasa sa pamamagitan ng link na ito: https://drive.google.com/file/d/1tgKYTloISg4z6RLy8ncKzX6Ab35Eljp0/view?usp=sharing.

AUTHOR PROFILE