BBM

PH mas magiging aktibo sa int’l environmental events

January 25, 2024 Chona Yu 91 views

PALALAKASIN pa ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang partisipasyon ng Pilipinas sa international environmental events.

Pahayag ito ni Pangulong Marcos nang pulungin ang Philippine Delegation sa Conference of Parties (COP28) sa Palasyo ng Malakanyang para talakayin ang resulta ng COP28.

Iniulat ni Department of Environment and Natural Resources Secretary Maria Antonia Yulo-Loyzaga ang tungkol sa improvement ng energy capacity pagsapit ng 2030; transition mula sa fossil fuels sa energy systems; pagpapabilis sa zero-and-low emissions technologies at pagbabawas ng emission mula sa mga sasakyan.

Gayundin ang pag-adopt ng United Arab Emirates (UAE) Framework for Climate Resilience pagsapit ng 2030; commitment budget para sa Loss and Damage (LD) Funds; pagiging operational ng Loss and Damage katuwang ang World Bank, at ang panawagan para sa concessional at grant para sa climate change.

Kasabay nito ay iprinisinta ng kalihim ang Nationally Determined Contribution (NDC) Implementation Plan 2023-2030, gayundin ang Philippine National Adaptation Plan (NAP) 2023-2050.

Sabi ni Pangulong Marcos, makatutulong ito sa influential at resourceful actions sa paglaban sa climate change sa Pilipinas.

Inatasan naman ni Pangulong Marcos ang DENR at lahat ng kaukulang ahensya na gawing prayoridad ang pagtugon sa local environmental issues.

Matatandaang dadalo sana si Pangulong Marcos sa UN Climate Change Conference sa Dubai noong Nobyembre pero nakansela ang biyahe nito.

AUTHOR PROFILE