Nadine

Pelikula ni Nadine na inisnab ng MMFF inaasahang kikita sa ibang playdate

November 4, 2023 Aster Amoyo 209 views

MARAMI ang nanghinayang nang hindi makapasok sa 2023 Metro Manila Film Festival ang pelikulang “Nokturno” na pinagbibidahan ni Nadine Lustre at pinamahalaan ng mahusay na director na si Mikhail Red under Viva Films.

Nung isang taon ang tandem nina Nadine at Direk Mikhail sa drama, horror and mystery movie na “Deleter” ang nanguna sa 2022 Metro Manila Film Festival at ito rin ang nanguna sa box office out of the 8 official entries nung taong `yon. Ito rin ang nakapag-uwi ng may pinakamaraming awards that year mula sa Gabi ng Parangal ng MMFF at kasama na rito ang Best Picture, Best Director (Mikhail Red), Best Actress (Nadine Lustre) at Best Cinematography (Ian Alexander Guevarra). Ang iba pang awards ay Best Editing (Nikolas Red), Best Visual Effects (Gaspar Mangalin) at Best Sound. Ang nasabing pelikula ay nagbigay din ng Best Director trophy kay Direk Mikhail mula sa Luna Awards ng Film Academy of the Philippines.

Ang “Deleter” movie rin ang nagwagi ng “Best Scare” movie in Grimmfest 2023 ng Manchester International Festival of Fantastic Film in England.

Gayunpaman, tiyak na aabangan pa rin ng mga manonood ang “Nokturno” on a regular playdate.

Seth sinamahan ni Francine sa contract signing

SethPicMULING lumagda sa panibagong kontrata sa Kapamilya network ang mga young actors na sina Kyle Echarri (20) at Seth Fedelin (21), isang patunay ng kanilang loyalty sa kanilang home studio na siyang nag-build-up sa kanila to become young stars as they are now.

During the contract signing ni Seth, sorpresang dumating ang kanyang bagong ka-loveteam and rumored girlfriend na si Francine Diaz.

Matapos mapanood si Kyle sa nagtapos na hit primetime series na “Iron Heart,” bahagi rin siya ngayon sa isa pang hit primetime serye, ang “Senior High” habang si Seth naman ay tampok sa “Fractured” ng iWant TFC with Francine. Kasama rin siya sa pelikulang “She Who Must Not Be Named”. Si Kyle naman ay mapapanood sa pelikulang “The Ride”.

Grateful pareho sina Kyle at Seth sa magandang takbo ng kanilang respective careers ngayon.

Michelle isa sa early favorites sa Miss Universe

MichelleMichelle1SA darating na November 18 ay malalaman kung sino ang tatanghaling bagong Miss Universe kung saan kinatawan ng Pilipinas ang model, beauty queen at Kapuso actress na si Michelle Marquez Dee (28).

Si Michelle ay anak ng estranged couple na sina Melanie Marquez at businessman at dating actor na si Derick Dee.

Ang pagiging modelo, beauty queen at actress ay minana ni Michelle sa kanyang inang si Melanie who was crowned Miss International in 1979.

Si Michelle ay tinanghal na Miss World Philippines nung 2019. Pumasok siya sa Top 12 sa 2022 Miss World. Nung isang taon ay sumali siya sa Miss Universe Philippines kung saan siya tinanghal na Miss Universe Philippines Tourism. Muli siyang sumali sa 2023 Miss Universe Philippines and this time ay nakuha niya ang titulo at korona.

An advocate of autism awareness and mental health education, si Michelle ay isa sa mga early favorites among the 2023 Miss Universe candidates.

Ang coronation night ay gaganapin sa El Salvador on November 18 habang ang preliminary competition ay sa November 16. The following day, November 17 ay National Costume competition.

Michelle started her modeling career for Bench in 2016 at kasunod na rito ang kanyang paglagda ng modeling contract with Click Model Management in New York, USA.

It was last May 2023 sa exclusive interview sa kanya ng Mega Magazine nang siya’y mag-out as bisexual.

Kaila nagpapamalas ng husay

KailaKaila1PROUD ang estranged couple na sina Janice de Belen at John Estrada sa kanilang model-actress daughter na si Kaila Estrada (27) who is earning praises dahil sa mahusay nitong pagganap sa TV drama series na “Linlang”.

“Anak nga siya ni Janice,” ito ang naririnig na komento ng mga nanonood ng TV series na “Linlang”.

Hindi naman kataka-taka ang pagiging mahusay na aktres ni Kaila na obviously ay minana sa kanyang parents na pareho ring mahuhusay na actor na sina Janice de Belen at John Estrada.

Unang ipinakita ni Kaila ang husay sa pag-arte nang siya’y isalang sa “Viral Scandal” drama series nung 2021.

Taong 2021 lang din siya nagsimula sa kanyang acting career when she signed up with Star Magic.

Si Kaila ay nagsimula ng kanyang modeling career when she was 17 years old nang siya’y sumalang sa fashion show ng Randy Ortiz creations. Lumagda rin siya sa Mercator Models and Talent Management before she moved to Star Magic at kung saan naman nagsimula ang kanyang acting career.

Bukod sa “Linlang,” si Kaila ay napapanood din sa “Can’t Buy Me Love” na pinagbibidahan nina Donny Pangilinan at Belle Mariano.

VG Mark kahanga-hanga ang pagmamahal kay Kris

Kris1SALUDO ang marami sa ipinapakitang pagmamahal ng bise-gobernador ng Batangas at negosyanteng si Mark Leviste sa tinaguriang “Queen of All Media” na si Kris Aquino.

Marami ang humanga kay VG Mark sa ipinakikita nitong sakripisyo sa babaeng kanyang minamahal kahit magpabalik-balik man siya ng Pilipinas at Amerika just to be with her.

Kababalik lamang ng Pilipinas last November 1 ni VG Mark in time for All Saints Day and All Souls Day.

Kung wala man siya sa tabi ni Kris, he makes it a point to check on her regularly.

Natutuwa rin si VG Mark sa improvement ng health ni Kris na may kinalaman sa kanyang autoimmune condition which prolongs her stay in the US for further and continues treatment.

While in the US, nag-abot sila roon nina Kim Chiu, `King of Talk’ Boy Abunda at Angeline Quinto with her fiancé na si Nonrev and son na si Sylvio na magkakahiwalay na dumalaw kay Kris. Nag-iiba umano ang glow ni Kris when she receives visitors from the Philippines na malapit sa kanyang puso.

May suspetsa kami na sa Amerika magi-spend ng Christmas holidays si VG Mark and his family kasama si Kris and her two sons na sina Joshua and Bimby.

December 25, Christmas day ang kaarawan ni VG Mark and he will be turning 46 by then.

Parehong significant ang respective birthdays nila ni Kris na ang kaarawan naman falls on Valentine’s day, February 14. Since hindi pa rin makakauwi si Kris on February 14, malamang na lumipad muli si VG Mark just to be with her on her birthday next year.

Empoy dalawang dekada na sa showbiz

EmpoyEmpoy1DALAWANG dekada na rin sa showbiz ang actor-comedian na si Empoy Marquez na nagsimula nung 2003 nang siya’y sumali at manalo sa “Mr. Suave Look-Alike” contest ng dating noontime program ng ABS-CBN, ang Magandang Tanghali Bayan.

Ang kanyang pagkakapanalo sa “Mr. Suave Look-Alike” contest ang naging daan ng kanyang paglagda ng management contract with Star Magic ng ABS-CBN and was given a role sa “Mr. Suave” movie na pinagbidahan ni Vhong Navarro. Since then ay naging paborito siyang comedic sidekick ng mga bida sa pelikula at sa iba’t ibang TV series. Naging bahagi rin siya ng “MTB: Ang Saya-Saya” sa loob ng isang taon.

Pagkalipas ng apat na taon with Star Magic, lumipat si Empoy ng TV5 nung 2008 kung saan siya namalagi sa loob ng limang taon at nakagawa siya ng iba’t ibang shows sa Kapatid Network tulad ng “Lokomoko,” “Tropa Mo Ko Unli,” “Kapitan Awesome” kung saan siya ang bida at ang sitcom na “Mac & Chiz” nila ni Derek Ramsay. Nung 2018, bumalik siya ng ABS-CBN para gawin ang seryeng “Since I Found You”.

Taong 2017 nang magsama sila ni Alessandra de Rossi sa pelikuang “Kita Kita” na pinamahalaan ni Sigrid Andrea Bernardo under Spring Films na pinamumununan ng actor-producer na si Piolo Pascual. Ang nasabing pelikula na kinunan pa sa Japan ay naka-sentro sa dalawang character na ginampanan nina Alex at Empoy. The movie earned P320-M making the it the highest grossing independent film of all time. The movie changed everything hindi lamang para kina Alex at Empoy kundi maging sa landscape ng independent films.

Dahil sa laki ng kinita ng pelikula, binigyan ng Spring Films ng tig-P1-M bonus sina Alex at Empoy at dito rin nabuo ang tambalang AlEmpoy.

Dahil sa pelikulang “Kita Kita,” naging best of friends and dalawa at nangakong nariyan sila palagi para sa isa’t isa.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE