BBM

PBBM sa Pinoys sa Australia: Umuwi kayo, tingnan ang Bagon Pilipinas

March 5, 2024 Chona Yu 85 views

HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga Filipino sa Australia na umuwi ng Pilipinas para makita ang bagong kalagayan ng bansa sa ilalim ng Bagong Pilipinas campaign.

“Let us always remember that the adage that is true, that home is where the heart is.

So cherish your Filipino identity because in that way you remain connected to us, to the Philippines, no matter where you are,” pahayag ni Pangulong Marcos sa mga Pilipino sa Melbourne, Australia.

“Before I end, let me invite you again to visit the Philippines soon and see for yourself the new Pilipinas, Ang Bagong Pilipinas. ‘Yan po ang aming itinataguyod. ‘Yan po ang aking ipinaglalaban ngayon,” dagdag ng Pangulo.

Dapat din yakapin ng mga Pilipino ang mayamang kultura ng Pilipinas at ipasa sa mga susunod na henerasyon.

“Iuwi n’yo muna sa Pilipinas para makita nila ang ibig n’yong sabihin. Siguro hindi nila naaalala ‘yung mga bayani ng Pilipinas, hindi nila alam ‘yung mga lugar na sinasabi natin at simpleng simple lang, makikita nila kung gaano kaganda ang pinakamagandang bansa sa buong mundo, ang Pilipinas,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Nasa 408,000 na Filipino at may lahing Pilipino ang nasa Australia. Nasa Australia si Pangulong Marcos para dumalo sa 50th Australia-ASEAN Special Summit.

AUTHOR PROFILE