BBM Ang talumpati ni Pangulong Ferdinand ‘Bongong’ Marcos Jr. sa Australian Parliament. Kuha mula sa Bongbong Marcos FB

PBBM sa Australia: Help PH

February 29, 2024 Chona Yu 134 views

HUMINGI ng tulong si Pangulong Ferdinand ”Bongbong” Marcos Jr. sa Australia para tugunan ang mga hamon na kinakaharap ng Pilipinas sa Indo-Pacific region.

Sa talumpati ni Pangulong Marcos sa Australian Parliament sa Canberra, sinabi nito na dapat na tutulan ng dalawang bansa ang ano mang hakbang na labag sa rule of law.

Nanindigan si Pangulong Marcos na patuloy na didipensahan ang soberenya ng Pilipinas. Nagpasalamat ang Pangulo sa suporta ng Australia sa gitna ng tensyon sa South China Sea.

”We have long known that our prosperity and development are anchored to the peace and stability of the Indo-Pacific. Today, that peace, that stability and our continued success have come under threat,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Sinabi ni Pangulong Marcos na dapat palakasin ng dalawang bansa ang suporta sa isat-isa.

“We must oppose actions that clearly denigrate the rule of law,” pahayag ni Pangulong Marcos. Isa ang Australia sa mayroong Visiting Forces Agreement (VFA) ang Pilipinas.

“I will not allow any attempt by any foreign power to take even one square inch of our sovereign territory,” pahayag ni Pangulong Marcos.

AUTHOR PROFILE