Default Thumbnail

PBBM nagtalaga ng bagong SBMA chair

May 18, 2023 People's Tonight 181 views

NAGTALAGA si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng bagong chairman ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA).

Pinangasiwaan ni Pangulong Marcos ang panunumpa ni dating Pandan, Antique Mayor Jonathan Tan, ayon sa Presidential Communications Office.

Pinalitan ni Tan si Rolen Paulino na nagbitiw noong Abril 15 bago pa man matapos ang kanyang anim na taong termino.

Sinabi ni Paulino na bumaba siya sa puwesto upang bigyan ng kalayaan ang Pangulo na pumili ng nararapat sa puwesto.

Nanumpa na rin sa tungkulin si Margarita Gutierrez bilang undersecretary ng Department of the Interior and Local Government at si Amable Aguiluz V bilang Philippines’ Special Envoy for Trade and Investments sa Japan.

AUTHOR PROFILE