Madrona

Patuloy na suporta ni PBBM sa tourism sector inaasahan

July 24, 2023 Mar Rodriguez 1627 views

MALAKI ang paniniwala ng Chairman ng House Committee on Tourism na si Romblon Lone Dist. Congressman Eleandro Jesus “Budoy” F. Madrona na magpapatuloy ang suporta ni President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. sa sector ng turismo sa pamamagitan ng mga infrastructure projects.

Makalipas ang isang taon nang unang manungkulan si Pangulong Marcos, Jr., sinabi ni Madrona na optimistiko siya na ipagpapatuloy parin ng Punong Ehekutibo ang suporta nito para sa Philippine tourism upang tuluyan na itong makabangon matapos ang dalawang taong COVID-19 pandemic.

Binigyang diin ni Madrona na bukod tanging ang Pangulong Marcos, Jr. lamang ang nagbigay ng pagpapahalaga at importansiya sa tourism industry sa pamamagitan ng pagsusulong ng mga infrastructure projects para mas maging kombinyente ang pagbibiyahe sa mga tourist destinations sa bansa.

Dahil dito, umaasa din ang kongresista na mas magiging agaran ang pagsasa-ayos ng mga kalsada sa pamamagitan ng mga infrastructure projects ng pamahalaan kabilang na dito ang mga tulay upang maging “accessible” sa mga dayuhan at lokal na turista ang iba’t-ibang tourist destination sa Pilipinas.

Nananawagan din si Madrona bilang Chairman ng Committee on Tourism sa iba’t-ibang ahensiya ng pamahalaan na makipag-tulungan sila sa Department of Tourism (DOT) upang mas ma-improve ang mga proyekto ng gobyerno patungkol sa pagsasa-ayos ng turismo ng bansa.

Kasabay nito, hinihiling ni Madrona sa Pangulo na kailangang magkasa ng malawakang “crackdown” ang gobyerno laban naman sa mga naglipanang “fly-by-night” travel agencies na pumapatay sa mga legal travel agencies.

AUTHOR PROFILE