Paolo Larawan: Niceprintphoto/IG

Paolo Paraiso ikinasal na sa non-showbiz gf

September 25, 2023 People's Tonight 310 views

NAGPAKASAL na ang aktor na si Paolo Paraiso sa kanyang non-showbiz girlfriend na si Jessica Sto. Domingo, Sabado, Setyembre 23, sa isang chapel sa Batangas.

Sa Instagram post ng celebrity photographer Niceprintphoto, makikitang suot ng aktor ang simple coat barong at cream trousers.

Lumitaw naman ang kagandahan ng kanyang partner na si Jessica suot ang light-sheer white dress with spaghetti straps.

Ang reception ng dalawa ay naganap sa Virgin Beach Resort sa Batangas, na dinaluhan ng kanilang kaibigan at pamilya.

Matatandaang Disyembre nakaraang taon nang isinapubliko ng dalawa na sila ay engaged na. Ang engagement ring na binigay ng Maging Sino Ka Man actor kay Jessica ay pamana ng kanyang mga lolo’t lola.

AUTHOR PROFILE