Cristine Larawan: David DiMuzio/FB

Cristine Reyes hinahanting ng afam

September 25, 2023 People's Tonight 437 views

VIRAL ngayon sa social media ang Facebook post ng isang foreigner na hinahanap ang aktres na si Cristine Reyes.

Sa post, sinabi ng isang singer and recording artist na ‘di niya maalala ang pangalan ng isang babaeng nakita niya.

“Does anyone know this girl’s name? I remember she was really nice when we met years ago, and she’s an actress, but I can’t remember her name,” caption nito kalakip ang larawan nilang dalawa ni Cristine Reyes.

Pinuri naman ng musician ang kabutihang pinakita ng aktres sa kanya. Samantala, wala pang ibang detalye kung saan at kailan sila nagkita ni Cristine.

Bumuhos naman sa comment section ng post ang mga nakakalokang komento ng netizens, na mas lalong nagpa-viral sa post.

https://www.facebook.com/story.php?story_fbid=pfbid02VB7mxuATcDR4neXn9Ptt2rJ9TcGANvAHddxwKxL4sW4fPKTyjj5wLZGBv15Va44nl&id=100044497026931&mibextid=Nif5oz

AUTHOR PROFILE