Kathden

Panliligaw ni Alden advance promo ng ‘HLG’ 2

April 23, 2024 Vinia Vivar 86 views

Tuloy na tuloy na umano ang sequel ng 2019 blockbuster hit movie na Hello, Love, Goodbye na pinagbidahan nina Alden Richards at Kathryn Bernardo at idinirehe ni Cathy Garcia-Sampana.

Ayon sa tsika ni Cristy Fermin, kasalukuyang nasa Canada ang staff ng Star Cinema para maghanap ng potential locations na pagsyu-syutingan ng pelikula.

“Mga kaibigan ko mismo sa Alberta, Canada ang nagkukuwento na nandu’n na po ang staff ng Star Cinema pati si Direk Cathy Garcia-Sampana,” pagbabalita ni ‘Nay Cristy.

“Nag-i-scout na po sila ng mga lugar-lugar, location hunting, ‘di ba, titingnan, eh, Alberta po ‘yan, nandiyan po ang pinakamagagandang lugar,” patuloy pa niya.

Napag-usapan nga rin nila na ang last frame ng HLG ay nasa airport ang karakter ni Kathryn na si Joy dahil tutungo nga ito ng Canada.

Kaya hindi naman kataka-takang sa nasabing bansa nila gawin ang part 2.

Dagdag pang tsika ni ‘Nay Cristy, “Heto na, ang sabi nila, kaya raw napapabalita na nanliligaw na ngayon si Tisoy (Alden) kay Kathryn ay promo na raw ito. Ako, hindi ko pinaniniwalan ‘yun.”

Hindi pa naman umano kasi natatapos ang pelikula at ni hindi pa nga nauumpisahan kaya paanong nasa promo na agad?

Anyway, ngayon pa lang ay napakarami nang naghihintay sa sequel ng HLG at hindi lang ‘yan, abangers din ng lahat kung ano ba ang kahahantugan ng KathDen loveteam in real life.

Maging sila na nga kaya habang sinu-shoot ang pelikula if ever man na totoo ngang may part 2?

‘Yan ang isang napakalaking aabangan.

AUTHOR PROFILE