Seth

FranSeth ayaw maging bagong KathNiel

April 23, 2024 Vinia Vivar 105 views

“Hindi namin mapapalitan ang KathNiel.”

Ito ang sinabi nina Seth Fedelin at Francine Diaz nang tanungin kung ano ang masasabi nila na sila na ang the next Daniel Padilla and Kathryn Bernardo.

“Gusto po naming makilala as Seth and Francine, FranSeth. Ang KathNiel po is gusto naming marating kung ano ‘yung narating nila, pero hindi para palitan. Iniidolo po namin sila sa paraan na kung ano ‘yung nakamit nila.

‘Yun ang pangarap namin. Kung saan sila nakapunta, sana makapunta tayo sa sarili namin pong paraan,” pahayag ni Seth sa mediacon kahapon ng pelikulang My Future You na pagbibidahan nila.

“’Eto, talagang malaking challenge sa amin ‘tong pelikulang ‘to, itong taon na kauna-unahan naming movie, so espesyal siya,” dagdag pa ng aktor.

Inayunan naman ni Francine ang sinabi ni Seth. Aniya, “Hindi naman po talaga namin kayang palitan ang KathNiel kasi ibang-iba din naman po ‘yung path nila kung paano sila naging successful but uulitin ko lang din po, kami ni Seth, gusto naming makilala as ourselves, as FranSeth. ‘Yun po. Pareho naman kaming praying and hoping na kung anuman ‘yung success na natamasa nila, marating din namin ‘yun pero sa sarili naming paraan.”

Ayon pa kay Seth, never siyang magiging Daniel Padilla simply because he’s Seth.

“Hindi ako magiging Daniel. Napakalabo pong mangyari niyan. Ang FranSeth, hindi po ‘yan magiging KathNiel. Ayaw namin na maging KathNiel. Gusto naming maging FranSeth,” sey ni Seth.

Hindi umano biro ang narating ng KathNiel kaya bago nila ito marating ay hindi rin biro ang kanilang pagdadaanan.

Nilinaw naman agad ni Francine na mahal nila ang KatNiel at naging friends nila ito.

“Actually, si Ate Kath din po, kapagka nagkakasabay kami sa trabaho, nagbabatian kami at mabait po sa akin si Ate Kath and si Kuya DJ,” sabi ni Francine.

Samantala, excited na ang FranSeth sa My Future You na ipalalabas sa big screen.

Napakaganda raw ng script na isinulat ni Cris Aquino na siya ring magdidirehe.

Maging ang producer na si Roselle Monteverde ng Regal Entertainment ay excited na dahil ngayon pa lang ay inaabangan na ito ng bookers and theater owners.

Ang kwento ng My Future You ay tungkol sa dalawang tao na nagkakilala through online pero magkaiba sila ng panahon at 15 years ang pagitan ng timeline. Magsisimula ang shooting sa May 7 at ipalalabas sa mga sinehan this year.

AUTHOR PROFILE