Jessy

Jessy gustong magkaanak kay Luis ng marami

April 23, 2024 Eugene E. Asis 84 views

Jessy1AYON kay Jessy Mendiola sa interview niya sa ‘Fast Talk with Boy Abunda,’ gusto niyang magkaroon ng maraming anak sa mister na si :Luis Manzano.

“Gusto ko talaga ng maraming anak, Tito Boy,” sabi ni Jessy. “Kung kaya ko lang talaga nang sabay-sabay.”

Sa instagram, wala siyang naihayag kundi pagmamahal at pagpapahalaga kay Luis na nagdiwang ng kaarawan noong Linggo.

Nag-share pa siya ng ilang larawan mula sa kanilang kasal, kasama rin ang ilang kuha nilang mag-anak.

“Happy happy birthday, my love,” panimula ni Jessy.

Aniya, sobra silang “blessed” ng kanyang anak na si Baby Rosie or Peanut at nagpasalamat sa pagiging mabuting asawa at ama sa kanila ni Rosie.

Sa pagtatapos ng kanyang post, sinabi ni Jessy na “one of a kind” si Luis, at ang birthday wishes niya para rito ay “good health, happiness and peace.”

“You deserve all the good things in life, We love you.” dagdag pa ng 31-taong gulang na aktres.

Unang ikinasal sina Jessy at Luis noong 2021 sa isang intimate civil ceremony sa Batangas, at dumating ang kanilang unang anak na si Isabella Rose noong Enero 2023.

At nitong Pebrero 2024, muli silang nagpakasal sa isang simbahan sa Palawan.

Ang naturang kasalan ay naging daan din upang magkasama-sama ang mga mahahalagang tao sa kanilang buhay. Sa isang post ng ina ni Luis , ang Star for all Seasons na si Vilma Santos, ipinakita niya ang isang larawan kung saan magkasama ang kanyang ex husband na si Edu Manzano (ama ni Luis) at ang kanyang current husband na si Sen. Ralph Recto.

Ayon kay Jessy, wala na siyang mahihiling pa sa buhay ngayon.

AUTHOR PROFILE